Baguhang talent ng LVD pasado ang akting kay Dina

Jayson Diaz Dina Bonnevie

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAKAPASA kay Dina Bonnevie ang akting ng baguhang talent ng LVD Management na si Jayson David na kasama sa pelikulang 40 Days na unang venture ng LVD Corporation.

Autistic ang role ni Jayson at sa eksenang inililibing ang lola niya, nagwawala at nag-breakdown.

After ng take, palakpakan ang lahat at si Dina, itinuro si Jayson sabay sabing, “Pasado ka sa akin!”  

Tuwang-tuwa ang lahat sa sinabi ni Dina na talaga namang mabusisi sa akting lalo na sa mga baguhan.

Isa si Jayson sa bagong artists ng LVD na nadikubre sa isang local clothing fashion. Naging bahagi siya ng digital series ng komedyanteng si Esnyr na First Day High kasama ang ilang Pinoy Big Brother alumni.

Tapos na ang shooting ng 40 Days at target itong  mapasali sa MMFF2026 at mula ito sa direksiyon ni Louie Ignacio.