Vice Ganda na-inspire sa mga batang cast ng Sining Bulilit
HARD TALK
ni Pilar Mateo
BAKIT itinatag ang kauna-unahang 1st FAMAS Broadcast Arts Awards (The Filipino Academy of Movie Arts and Sciences)?
Ayon sa Pangulo at Chairperson ng FAMAS na si Madam Francia Conrado, “Sa mahigit na pitong dekada, FAMAS has celebrated excellence in Philippine cinema. As storytelling continues to evolve across television, radio, and digital broadcast platforms, FAMAS expands its recognition to honor outstanding creators, performers, and communicators whose work shapes Filipino culture beyond the silver screen. Ang ebolusyon na ito ay sumasalamin sa FAMAS’ enduring commitment to celebrating artistic excellence in all forms of Filipino media.”
Dalawampu’t walo ang kategorya. At may Broadcast Breakthrough Award kay CongTV at Rosa Rosal Lifetime Achievement Award na iginawad kay Madam Tina Loy.
Ang winners sa competitive categories sa Radio ay ang mga sumusunod:
Best AM Radio Program: Healing Mass sa Veritas, DZRV 846 AM
Best AM Anchor: Papa Ahwel Paz, Alam Na Dis!, DZMM
Best FM Radio Program: Dr. Love, 92.3 Radyo Singko True FM
Best FM Radio DJ: Papa Jack (John S. Gemperle), 106.7 Energy FM
Best Radio Drama Show: Gabi ng Lagim, DZRH
Best Radio Drama Performer: Nong Lading, 96.7 FMR Iligan
Best Podcast: Facts First Best Podcast Host: Christian Esguerra, Facts First
Ang mga nagsipagwagi sa 20 competitive categories sa Television at New Media ay ang mga sumusunod:
Best News Program: The World Tonight, ANC
Best News Anchor: Korina Sanchez, Agenda, BNC
Best Documentary: Embalsamador de Motor, I-Witness
Best Public Affairs Talk Show: I-Listen with Kara David
Best Public Service Show: Ivana Alawi, YouTube
Best Host for Public Service: Kara David, I Listen; and Ivana Alawi for her eponymous YouTube channel
Best Educational Show: Born to Be Wild, GMA
Best Lifestyle Show (Travel, Food, Beauty & Wellness, Business, Hobbies): Biyahe ni Drew, GMA
Best Magazine Show: Rise and Shine Pilipinas, PTV 4
Best Variety Show: It’s Showtime
Best Host for Entertainment: Vice Ganda, It’s Showtime
Best Screenplay (Series or Anthology): Coco Martin, FPJ’s Batang Quiapo
Best Director (Series or Anthology): Coco Martin, FPJ’s Batang Quiapo
Best Supporting Performer (Series or Anthology): Joel Lamangan, FPJ’s Batang Quiapo
Best Performer (Series or Anthology): Kelvin Miranda, Encantadia Chronicles: Sang’gre
Best Anthology: Maalaala Mo Kaya, ABS-CBN
Best Series (Long-Form or Short-Form): FPJ’s Batang Quiapo
Best Comedy Show (Long-Form or Short-Form): CongTV
Best Show for Game, Reality, or Competition: Family Feud
Best Entertainment Talk Show: Fast Talk with Boy Abunda
Isang matagumpay na pagtitipon ang naganap sa bulwagan ng Fiesta Pavillon ng Manila Hotel. Na dinaluhan ng mga nominadong showbiz luminaries.
Kakaiba ang presentasyon sa lahat ng kategorya. Na ang celebrated theater director na si Dr. Anton Juan ang naging tagapagpakilala sa bawat kategorya at sa mga nagwagi.
Dalawang beses umakyat ng entablado si Vice Ganda sa 1st FAMAS Broadcast Arts.
Una ay para tanggapin ang tropeo ng It’s Showtime bilang Best Variety Show.
Ang kasunod na award ay Best Host for Entertainment, para sa It’s Showtime.
Ayon sa Unkabogable Star, “Ang pinaka-take away ko ngayong gabing ito, I am just so happy to be here because aside from this trophy, I was able to witness the excitement in the eyes of these children tonight.
“You guys inspire me. Kanina pa ako nakatingin dito sa mga batang ito. Sabi ko, ‘Grabe ‘yung mga mata nila! Excited na excited sila, at sila ‘yung pinakamasaya tonight.’
“Sabi ko, ‘I wanna still be these children na hindi nawawala ang excitement.’”
Ang tinutukoy ni Vice ay ang cast ng educational YouTube channel na Sining Bulilit na biniyayaan ng special citation ng FAMAS BA Awards.
“Araw-araw for 16 years, at minsan po talaga napapagod ako. Nawawalan ako ng gana. Naiirita ako… Imagine niyo ‘yung 16 years na ‘yun, minsan, bilang pangkaraniwang tao lang, minsan nakakawala talaga ng amats. ‘Yung parang ambaba ng amats ko… hindi ako ganadong-ganado. Parang hindi ko masyadong bet.
“Sa panahon ngayon kasi napakahirap na pong mag-mount ng programa dahil ang dami nang iba’t ibang pinanonood ng mga tao sa iba’t ibang plataporma.
“Pero ang ‘Showtime’ po ay nananatiling isa sa mga paborito ng Madlang People kaya maraming-maraming-maraming salamat.
“Showtime still continues to thrive kahit napakaraming mga challenges na pinagdaanan ng programang ito.
“Dahil sa pagpapala ng Panginoon, sa tulong ng napakarami, sa suporta ng napakaraming tao.
“At sa pagpupursige ng lahat ng mga taong nasa likod ng programang ito, ang aming direktor, ang aming mga writer, ang aking mga co-host, patuloy kaming nabibigyan ng oportunidad para makapagpasaya ng Madlang People.
“And these days, it’s really very hard to entertain our society of highly opinionated and highly entitled people.
“Mga taong laging ang daming sasabihin sa ginagawa mo, sa programa niyo, sa content niyo, sa segment ninyo na parang wala kayong ginagawang tama.
“Gayunman, hindi sumusuko iyong lahat ng tao na bumubuo ng programa namin.
“Kaya natutuwa ako na hanggang ngayon, pinipili niyo pong panoorin ang ‘It’s Showtime.’
“Ang again, thank you very much sa Madlang People for making ‘It’s Showtime’ the most relevant noontime show now.”
Ang kasunod na award ay Best Host for Entertainment, na pinagwagian ni Vice Ganda para sa It’s Showtime.
“Yehey, mayroon na akong FAMAS for TV!” masayang bulalas ng Unkabogable Superstar.
“Binigyan n’yo ako ng FAMAS for movies, ngayon naman for broadcast. Maraming-maraming salamat. First niyo ito, at first ko rin ito.
“Thank you so much for seeing me. Thank you so much for appreciating me, for validating my hard work, my purpose, my passion, my talent, my skills.
Tinalo ng Born to Be Wild ang
Sining Bulilit sa kategoryang Best Educational Show.
Ngunit, tinanggap ng Sining Bulilit ang Special Citation for Excellence for Children’s Arts Education.
Inspirasyon ang naibahagi ng mga nagwagi sa gabing iyon.
Lalo na mula kay Meme Vice, “For 16 years, I’ve been performing in front of the camera para panoorin niyo sa noontime show.
“Araw-araw for 16 years, at minsan po talaga napapagod ako.
“Nawawalan ako ng gana. Naiirita ako. Nai-stress ako sa dami ng nangyayari sa paligid, sa loob at sa labas ng building at ng studio.
“Sa buong Pilipinas. Nakaka-stress din po, especially ‘Showtime’ has been airing live for the past 16 years.
“Imagine niyo ‘yung 16 years na ‘yun, minsan, bilang pangkaraniwang tao lang, minsan nakakawala talaga ng amats.
“Yung parang ambaba ng amats ko… hindi ako ganadong-ganado. Parang hindi ko masyadong bet.
“Pero seeing these children tonight made me realize — dapat ganyan, dapat excited tayo para masaya tayo.
“Because if you lose excitement, you lose the fun. If you lose the fun, you lose the joy.
“And thanks so much for exciting me tonight. Aside from these children, noong narinig ko, nakita ko at ginawaran niyo si Miss Tina Loy, that gave me so much inspiration.
“Oh my God, hearing those stories, seeing her presence, feeling her energy tonight, and being able to witness her, and hear her voice na sobrang crisp pa.
“Sabi ko nga kay Miss Korina kanina, ‘Grabe, 90 years old na siya?! Ganyan pa kalinaw at kaganda ‘yung boses niya.’
“Maririnig mo yung conviction niya. Maririnig mo ‘yung disiplina sa lalamunan niya. Ninety years old, ‘di ba?
“It would require so much discipline para ma-preserve niya ‘yung ganoong boses, ‘i ba?”
Iginawad kay Ms. Si Tina ang Rosa Rosal Lifetime Achievement Award. Ipinagdiriwang nito ang kanyang ika-90 kaarawan at 78 taon na siyang broadcaster.
Matapos na magsampol ng sari-saring tinig na kinagiliwan sa radyo noon, sinambit nito ang mga katagang, “I belong to the golden years of radio!”
Nag-tie sina Kara at Ivana.
Mangiyak-ngiyak si Kelvin na inihandog ang kanyang panalo sa amang kapapanaw pa lamang.
Umaapaw ang kagalakan sa puso ng mga opisyal ng 1st FAMAS BA awards. Mula sa Pangulo at Chairperson na si Madam Francia at sa Executive Director na si Atty. Vince Tañada, dahil naitawid ng maayos ang star-studded gala.
Na-miss lang ng audience si Coco Martin na nasa taping ng kanyang serye. Kaya ang nominado ring si Mon Confiado ang tumanggap ng kanyang mga tropeo.
Isa pang nagalak sa kanyang panalo ay ang kinagiliwan at inabangan sa papel niya bilang Roda sa Batang Quiapo na si direk Joel Lamangan.
Nag-livestreaming ang 1st FAMAS Broadcast Arts Awards sa Facebook page ng FAMAS.
Ang nag-announce ng lahat ng winners ay si Dr. Anton Juan, na chairman ng inampalan.
Presenters sina Christian Esguerra, Ronald Llamas, Kelvin Miranda, Mon Confiado, RS Francisco, at ang Divine Divas.
Ang opisyales ng FAMAS ang nag-aabot ng mga tropeo.
Maliban sa pagiging performer ay backstage host si Johnrey Rivas, kasama si Mikee de la Cruz.
Nagsipag-handog ng kanilang performances sina Isha Ponti, Yvonne Ensomo, Philstagers Ensemble, Divine Divas, 6ENSE, BILIB, at 7 Hearts ng musical na Rizal 3000.
Ang daming eksena. Ang daming istorya. Masaya!
Drama. Komedi. Puso.
Tagumpay ang kauna-unahan. Abangan na ang ikalawa!
