Sparkle teen umamin na member ng LGBTQ+ community
MATABIL
ni John Fontanilla
MATAPANG at hindi nagdalawang-isip na aminin ng dating Sparkle teens talent na si James Graham na member siya ng LGBTQ+ community.
Inamin ni James na isa siyang member ng LGBTQ+ community sa isa sa kanyang post sa kanyang TikTok. Kasabay ang video na babaeng-babae na ang hitsura, mahaba ang buhok, at naka-make-up.
Caption nito sa video, “Start the new life you always wanted.
“You don’t have to be scared anymore. People will judge you regardless of who you are, so just live your life to the fullest.”
Sinabi pa ni James sa isang post na nagsasalita siya para sa mga taong dumaan sa mga katulad na karanasan.
Idinagdag pa niya na ang bawat isa ay nararapat magkaroon ng pagkakataong maging masaya at maipahayag ang kanilang sarili nang hindi palaging nag-aalala sa iisipin ng iba.
