Heart at Mimiyuuuh friendship over na?
MA at PA
ni Rommel Placente
MUKHANG may namumuong hindi pagkakaintindihan sa magkaibigang Mimiyuuuh at Heart Evangelista.
Ito ay matapos mapansin ng mga netizen na hindi na naka-follow sa isa’t isa sa instagram ang dalawa.
Ang naturang mutual na pag-unfollow nina Mimiyuuuh at Heart sa isa’t isa ang naging basehan ng netizens na mukhang friendship over na sila.
Chika pa ng ilang netizinens, mukhang may kinalaman ang pag-unfollow ng dalawa sa isa’t isa sa recent vlog ni Mimiyuuuh kasama ang kapwa content creator na si Esnyr Ranolla.
Napag-usapan nina Mimiyuuuh at Esnyr ang kanilang achievement na abot-kaya na nila ang mga dating cravings lang gaya ng pagkain ng king crab.
Nasabi rin ng dalawa na gusto nilang maging nepo baby pero ang bet nila ay mula sa clean money, at hindi sa mga politiko.
Bagamat walang nabanggit na pangalan, nag-react ang personal assistant ni Heart na si Resty Rossell.
Bukod pa rito, may mga netizen din na iniugnay kay Heart ang chikahan nina Mimi at Esnyr.
Lalo pang uminit ang isyu nang tila magpasaring si Heart sa iniwang komento sa kanyang Instagram follower, na naresibuhan ng netizen.
Inalala ng aktres ang tatlong dekada niya sa entertainment industry. Naintriga naman ang mga netizen sa sinabi niya tungkol sa “viral stars/shooting stars.”
“Years of record, hard work, passion and never giving up… Remember viral stars/shooting stars will only light the sky for a split second. It’s not and will never be about fame but longevity,” comment ni Heart.
Well….
