2nd Asia-Pacific Topnotch Men Women Achievers Awards

2nd Asia-Pacific Topnotch Men & Women Achievers Awards matagumpay

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang katatapos na 2nd Asia-Pacific Topnotch Men & Women Achievers Awards na ginanap sa Selah Pods Hotel noong Hulyo 11 sa pangunguna ng founder nitong si Direk Romm Burlat. Hosted by Raymond Gorospe and Miguel Salamat.

Ayon nga kay Direk Romm, “Ang gabing ito ay higit pa sa isang seremonya ng paggawad ng parangal.

“Isa itong pagdiriwang ng kahusayan, pamumuno, inobasyon, at natatanging mga tagumpay.

“Narito tayo upang parangalan ang mga indibidwal na, sa pamamagitan ng kanilang dedikasyon, tiyaga, at matibay na paninindigan, ay nag-iwan ng pangmatagalang positibong impluwensiya sa kani-kanilang larangan at komunidad.”

Dagdag pa nito, “Ang bawat pagkilalang ipinagkakaloob ngayong gabi ay sumasalamin sa maraming taon ng sakripisyo, katatagan, at walang sawang pagsusumikap.

“Higit sa lahat, ipinakikita nito ang positibong epekto ng ating mga pinararangalan sa buhay ng iba.

“Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang ang bawat isa ay patuloy na magsikap tungo sa kahusayan at makabuluhang paglilingkod.”

Dumagsa ang malalaking personalidad mula sa larangan ng media, entertainment, negosyo, pageantry, at serbisyong publiko sa gabi ng parangal, ang ilan dito ay sina Korina Sanchez-Roxas, Gus Abelgas, Marc Logan; Cory Quirino, Patricia Javier, Raymond Bagatsing, Monsour del Rosario; Cecille Bravo, Dennis Evangelista, Ralph Dela Paz, Toni Co, Hanz Cua, Mygz Molino, Janah Zaplan, Vice Mayor Marcos Mamay , Baby F. Go, Tonz Are, Richard Hinola, Blue Dreamers PH, Talents Academy Kids, Jun Miguel.

Tumanggap din ng parangal ang mga mamamahayag na sina John DJ Janna Chu Chu Fontanilla, Roldan Castro, Rommel Placente, Anne Venancio, gayundin sina Meg Perez, Carlo Morris Galang, Next Gen, Joe Salonga, Lester Ricardo with Man of The World 2026 Oliver Eugen KretzMiss Tourism Worldwide Anne De Mesa and Miss World PH Asia Rose Simpson, Xerenade atbp..

Nagpasalamat si Direk Romm sa organizing committee, mga sponsor, media partners, at sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang matagumpay na pagdaraos ng naturang kaganapan.