071426 Hataw Frontpage

Sa pagkamatay nina Baterbonia at Adili  
2 KASO NG HOMICIDE vs BALDWIN, 11 PA ISINAMPA NG NBI

071426 Hataw Frontpage

HATAW News Team

INIHAIN na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang rekomendasyon na magsampa ng kasong reckless imprudence resulting in two counts of homicide laban kay dating Ateneo de Manila University men’s basketball head coach Tab Baldwin at pito pang opisyal ng koponan kasunod ng pagkamatay ng student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili noong 8 Hunyo sa Dipaculao, Aurora.

Inirekomenda rin na sampahan ng kaso ang assistant coaches na sina Jon Jacinto, Dean Castaño, Sandro Soriano at Buboy Domingo, strength and conditioning coaches na sina CJ Elumba at Grant Dearns, at physical therapist na si Jeric Rueca.

Sina Baterbonia at Adili ay nalunod sa isang seawater activity na bahagi ng team-building ng Blue Eagles sa Hermanos Leisure Farm and Surf Camp sa Dipaculao, Aurora na kanilang ikinasawi. Ilan pang player ng ADMU ang nagsabing muntik din silang malunod.

Kasong simple negligence resulting in two counts of homicide ang ipinasasampa laban sa mga may-ari ng resort na sina Francisco at Frederick Zubia, resort manager na si Yedda Rubio, at Ateneo athletic director Em Fernandez.

Sa pahayag ng NBI, si Baldwin ang nagplano at nanguna sa isinagawang sea drill bagamat alam niya na may ilang mga manlalaro ang hindi marunong lumangoy. Nagbigay lamang siya ng babala tungkol sa rip current at hindi naglaan ng life vests, lifeguards, o nakaantabay na rescue at medical personnel.

Base sa kanilang imbestigasyon, naniniwala ang NBI na may kakulangan sa mga hakbang sa kaligtasan na humantong sa pagkasawi nina Baterbonia at Adili.

Kabilang sa mga complainant ng ihahaing mga kaso ang ina ni Baterbonia na si Rovelyn, ang Embassy of Nigeria, at ang NBI.

Samantala, ipinasa ng NBI sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang administrative complaint laban sa mga posibleng responsableng opisyal ng Municipality ng Dipaculao, Aurora — Business Permit and Licensing Office (BPLO) officer, Municipal Tourism & Cultural Development Officer and Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office (MDRRMO) head