harassed hold hand rape

11-anyos ‘Nene’ unang biktima ng serial manyak sa Pampanga

KASUNOD ng kamakailang pagkaaresto kay William Corre, isang wanted suspect na sangkot sa serye ng mga krimen sa Pampanga, isa sa mga biktima ang humarap at pormal na nagsampa ng karagdagang mga kaso sa Office of the Provincial Prosecutor.

Pahayag ni P/BGen. Jess Mendez, Regional Director ng PRO3 sa press conference ukol sa pagkakaaresto sa suspek, lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na isang 11-anyos bata ang naunang minolestiya ng suspek.

Positibong kinilala ng biktima (noo’y 11-anyos pa lamang) ang akusado at nagsampa ng mga reklamong Acts of Lasciviousness kaugnay ng Section 5(b) ng RA 7610 at paglabag sa Article 266-A ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng RA 8353 at karagdagang amyenda ng RA 11648.

Isinampa ang mga kaso nang maaresto ang suspek sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng PRO3 at mga katuwang na law enforcement unit kasunod ng paglabas ng wanted poster at isang pampublikong apela para sa impormasyon na humantong sa pag-aresto.

Ayon kay P/BGen. Mendez, ang pangyayaring ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng napapanahong aksiyon ng pulisya at kooperasyon ng komunidad sa pagtitiyak ng hustisya para sa mga biktima.

“Ang katapangan na ipinakita ng mga biktimang ito sa paglalahad ay nagpapalakas sa aming kaso laban sa mga akusado at nakayutulong na maiwasan ang karagdagang pagiging biktima. Hinihikayat namin ang iba pang mga biktima at saksi na makipagtulungan sa mga awtoridad at tinitiyak sa kanila na ang PNP ay magbibigay ng kinakailangang suporta at proteksiyon sa buong proseso,” dagdag ni P/BGen. Mendez. (MICKA BAUTISTA)