Nadine Lustre

 Nadine Lustre wagi sa online harassment case, lalaki pinarusahan ng korte

I-FLEX
ni Jun Nardo

NATIKMAN na ni Nadine Lustre ang lahat ng mapanirang komento sa buhay niya. Hindi niya ito pinapansin hanggang mayroong isang netizen na nagkomento ng bastos na hindi nagustuhan ng tinatawag na The President pati na rin mga kaibigan niya.

Tahimik lang na pinatulan ni Nadine ang bastos na ito. Na-triggered lang siya dahil sa mga kaibigan at kasama sa trabahog nabastusan sa nagkomentong ‘yon.

Naibahagi ni Nads ang pangyayaring ‘yon at nitong midyear niya nakaharap ang taong ‘yon.

“I was told by my lawyer to do something about it. Kaya naman hinanap namin siya.

“Eh hindi porke wala kayong mukha sa social media eh hindi kayo puwedeng mahanap.

“Idinemanda namin. Pinarusahan ng community service, seminars sa gender sensitity. Eh hindi ko na naisip kung may remorse siya.

“At least, para malaman ng iba na hindi dapat gawing venue ang social media ng paninira,” kuwento ni Nadine nang humarap siya sa media upang i-promote ang natapos niyang series na Love, Siargao.