Heart Evangelista

Heart parang ‘di naospital, takaw-pansin sa bawat rampa 

I-FLEX
ni Jun Nardo

KAHIT kalalabas lang sa ospital ni Heart Evangelista, kailangan niyang tuparin ang mga commitment na natanguan gaya ng pagdalo sa Paris Fashion Week Fall/Winter 2026-2027 Collection.

Kaya nga naloloka itong bashers ni Heart na sinasabing peke raw ang pagkaka-ospital, huh! 

Eh kung kaya naman ay may advise ang doctor niyang puwede na siyang bumiyahe, ganyan ka-professional si Heart!

Kaya naman hayun at parang hindi galing sa sakit si Heart na takaw-pansin sa bawat rampa niya sa streets of Paris at haute couture events!