John Arcilla sinubukang magpari; Coffee na lang dear commercial nagbukas pintuan sa stage plays, TV shows, pelikula
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
DALAWA kami ni John Arcilla na nag-present ng Joe Quirino Award para kay direk Joven Tan sa katatapos na 9th Eddys o Entertainment Editors’ Choice na ginanap noong July 5, 2026 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City.
Napag-usapan namin ni Mr Arcilla kung paanong hanggang ngayon maganda pa rin ang kanyang pangangatawan. ‘Yun bang walang tiyan.
Aniya, 10 taon nang hindi siya kumakain ng meat. Gulay, isda o seafoods lang ang kanyang diet. Kasama na ang paglalakad o jogging. Kaya ‘wag na tayong magtaka kung bakit hanggang ngayon maganda pa rin ang kanyang katawan at kalusugan.
Isa si Mr Arcilla sa tumanggap ng 2026 Movie Icon Award kasama sina Edgar Mortiz, Rio Locsin, at Janice de Belen.
Bago pa man naging kasingkahulugan ang kanyang pangalan sa ilan sa mga pinaka-hindi malilimutang papel sa kontemporaryong pelikulang Filipino, nakamit na ni Arcilla ang paghanga ng mga manonood sa teatro. Bilang isang matagal nang miyembro ng Tanghalang Filipino, hinasa niya ang kanyang kakayahan sa entablado, pinagkadalubhasaan ang mga klasikong produksiyon at pinaunlad ang disiplina na kalaunan ay magpapaiba sa kanyang mga pagganap sa pelikula at telebisyon. Maging bida man o kontrabida, palagi niyang dinadala ang masusing paghahanda at emosyonal na katapatan sa kanyang papel.
Ang pagganap ay lalo pang hinangaan nang higit pa sa sinehan. Ang sikat na hamon ngayon ni Heneral Luna, ang “Bayan o sarili? Pumili ka!” ay naging isa sa mga linyang nagbibigay-kahulugan sa kontemporaryong pelikulang Filipino, na sinipi sa mga silid-aralan, mga pampublikong forum, at mga pang-araw-araw na pag-uusap. Muling binuhay ng pelikula ang interes ng publiko sa kasaysayan ng Pilipinas at matatag na itinatag si Arcilla bilang isa sa pinakamahuhusay na aktor ng bansa.
Sa pagkilalang ibinigay ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa kanilang 9th Eddys kay John, isang napakahabang post ang ibinahagi ng magaling na aktor—na naglalaman kung paano nag-umpisa ang kanyang career hanggang sa pagpapasalamat sa mga taong naging daan ng kanyang tagumpay bilang isang premyadong aktor.
Narito ang post ni John mula sa kanyang Facebook account.
“I grew up with a clan from my mother’s side who regularly gather in reunions, with the usual extemporaneous speeches and poems. Hindi pa uso ang spoken word sa mga Millennials noon. Nakababad na ako sa ganoong environment sa gitna ng aking mga magulang at mga tiyahin sa mother’s side. And then, I loved seeing how my father hosted company parties when I was a child. He used to emcee and sing for the audience.
Pero ang salitang “wala kayo sa lola ko” ay totoo sa akin. Mahuhusay sa mga on-the-spot poetry and speeches ang aking mga tiyahin, pero minana lamang nila ito sa mas mahusay—ang orig, ika nga. Ang lola kong si Margarita Peñaranda ay tinatawag ng mga kamag-anak na natatanging tumutuntong sa kahon—ibig sabihin ay nagtatalumpati o kaya ay tumutula on the spot to campaign for someone, particularly kay First Commonwealth President Manuel Quezon.
Kamag-anak at kababata ng aking lola si Doña Aurora Quezon. Ang kanilang mga magulang ay magpinsang buo. Kaya saksi rin siya sa mga kuwento ng pag-ibig ng dalawa. “Kang Aurora” ang tawag ng lola ko sa kanya.
Ang sabi daw ni Quezon sa lola ko ay, “Mahusay kang mag-atab-atab.” Ang ibig pong sabihin noon sa salitang Baler ay magdugtong-dugtong ng mga salita at imahinasyon. Kaya’t nakasisiguro ako na nagmula ang aking inclination sa performing arts mula sa aking mga ninuno at pamilya.
Dalawa lamang po ang pangarap para sa akin noon ng aking mga magulang: maging inhinyero o maging isang pari.
Sabi ng guidance counselor ko, “Bakit ka nila gustong magpari o mag-e-engineer? Nasa performing arts ang inclination mo.” Hindi ko rin ho alam. At bagamat consistent honor student naman ako mula elementarya at laging kasama sa Top 10 ng aking batch hanggang kolehiyo, math is not really my cup of tea. Kaya mas sinubukan kong magpari. Pero hindi ko rin ho napanindigan ang obedience and chastity. Tama nga ang aking guidance counselor. Thank you, Mrs. Veny Marzan. Kayo ang unang nagbukas ng ilaw sa daan na aking tatahakin. Kasama na rin si Mrs. Rose Palispis Querijero ng Carmel College, Baler Aurora.
Naging scholar ako ng Mass Communication sa aking Alma Mater, ang St. Joseph’s College, at naging aktibo ako sa campus theater kasama ang kaibigan kong si Sonny Lardizabal bilang una kong stage director, at nag-affirm na iyon nga ang tamang landas para sa akin.
Sila Bojie Pascua, Avic Ilagan at Rody Vera ang mga una kong guro sa PETA sa labas ng Campus Theater maraming salamat sa inyo.
Ganoon din kay Albert Saldajeno na nagpatibay nito. Sumunod ay sa mga Teatrong Lumilibot sa Maynila, sa pamamahala ni Lorli Villanueva.
Naging scholar din ho ako sa Acting Classes under Eric Morris ang mga guro nila Jack Nicolson, at Johnny Depp, through the Actors Workshop Foundation under the supervision of Laurice Guillen and Leo Martinez.
At nag tuluy tuloy na ang aking paglikha sa mga gabay ni Tony Mabesa ng Dulaang UP at Tita Bibot Amador ng Repertory Philippines. Naging scholar din ho ako ng Tanghalang Pilipino at naging Theater Company Actor ng CCP, kung saan, bata pa lamang ako, sa Teatro ay isinusulat na ako ni Eugene Asis. Maraming salamat, Eugene.
Then I was able to work with the very notable Theater Director Nonon Padilla, whom I consider my Father in Theater Arts, and who also made me embrace acting and learn that this avocation is not for self-fulfillment. It is not just a responsibility and commitment toward my co-actors and the characters I create, but indeed to my audience as well.
Sa mga TV commercials ako naging visible sa mainstream.
Nung gawin ko ang isang TV ad na “Coffee na lang, Dear,” ito ang nagbukas sa akin ng maraming pinto sa mga stage plays, TV shows, hanggang pelikula.
Si Raymond Red ang una kong direktor sa pelikula; pagkatapos ay sunod-sunod na iyon.
Dahil sa TV ad ay kinuha ako ni Douglas Quijano sa Regal bilang kuya ni Richard Gomez. Akala daw nila ay matangkad ako. Kaya habang nasa eksena ay lagi akong nakatingala kay Richard Gomez bilang ako yung kuya.
Marami kaming proyektong pinagsamahan ni Mario Delos Reyes; pagkatapos ay kay Gil Portes, then Tita Mids, at Carlos Siguion-Reyna. Maraming salamat sa inyong lahat.
Hanggang sa mga sumunod ko pang makabagong naging mga direktor mula sa telebisyon hanggang sa pelikula.
Salamat kina Law Fajardo, Jun Lana, Jerrold Tarog at Erik Matti.
Si Direk Ismael Bernal po ay sa teatro ko naging direktor, hindi sa pelikula. Pero ang una ko po talagang appearance sa pelikula ay sa “Bayan Ko: Kapit sa Patalim” ni Lino Brocka, kung saan ay dinaanan lang ako ng camera. Na-edit out pa yata.
Maraming salamat sa Regal Films. Sa Reality Films, kay Dondon Monteverde. Tita Jun ng Viva, mahal na mahal ko po kayo.
Boss Vic ng Viva. Sa mga kaibigan at mga boss na rin sa TV5, GMA, at ABS. Atty. Annette Gozon. My mentor and professor Roy Iglesias, ganoon na rin si Ricky Lee, na naging guro ko sa pagsusulat. Napakalaking bahagi po noon ng naging malawak kong pag-unawa sa mga karakter na aking binibigyan ng hininga.
Salamat po kay Tita Cory Vidanes, Carlo Katigbak, at Mark Lopez. At kay Lauren Dyogi, na aging tagapagtanggol ko, at ngayon po ay manager ko sa Star Magic ANS CBN.
Sa aking nakasamang mga aktor at mga tao sa likod ng entablado at pinilakang tabing, maraming-maraming salamat sa inyo. Bahagi po at kasama ko kayo sa lahat ng karangalang aking tinatamo at tatamuhin pa. Maraming-maraming salamat po sa inyo.
At maraming-maraming salamat po sa bumubuo ng The Eddys Awards.
Mabuhay ang Industriya ng Pelikulang Pilipino. Mabuhay po tayong lahat.“
Ang 9th Entertainment Editors’ Choice ay nabuo sa kolaborasyon ng SPEEd, Newport World Resorts, PlayTime Entertainment, at Echo Jham Productions, kasama ang Gold Sponsors Globe Telecom at Unilab Inc.; Silver Sponsors SoundCheck Inc. at Puregold CinePanalo Film Festival; at Major Sponsors Luxent Hotel, Luxxe White, Beautéderm Corporation, Isha Ponti, at PlayaLolita Beach Resort Hotel and Restaurant.
Nagpapasalamat din ang SPEEd sa Carmelo’s/Sweet Bella, URC and Oatside.
At tulad ng mga nakaraang taon, ang Chan Robles & Company sa pangunguna ni Juancho Roblesang nangasiwa sa pagbibilang ng boto para tiyakin ang transparency sa proseso ng pagpili.
Kasalukuyang pinamumunuan ni Tessa Mauricio-Arriola ng The Manila Times, ang SPEEd ay binubuo ng mga entertainment editor at mga mamamahayag mula sa mga pangunahing broadsheet, tabloid, at nangungunang online news portal sa buong bansa.
