Senado umeksena matapos ianunsiyo pagsasama nina Vic-Vice Ganda sa MMFF
I-FLEX
ni Jun Nardo
AFTER ng announcement na magsasama sa movie sina Vic Sotto at Vice Ganda, tahimik na namang muli ang showbiz.
Mas tutok ang tao sa impeachment gaya ng ginawa nila kahapon gayundin sa laban ni Alex Eala sa isang Italyana. Hindi nga lang pinalad si Alex sa laban niyang iyon.
Kanya-kanyang eksena sa Senado. Kanya-kanya ring manok ang mga abogado, legal experts sa prosecution counsel at defense counsel ng magkabilang panig.
Day 2 na kahapon. As of this writing, hindi pa nagsisimula ang trial. Dumating sa Senado si VP Sara. Humarap sa media sandali pero hindi sumagot ng tanong.
Choice ni VP kung ayaw niyang sumipot sa hearing dahil may lawyers naman siyang puwedeng humarap at sumagot para sa kanya.
After Senate-flix, impeachment serye naman ang aabangan natin.
