Kris Bernal Chariz Solomon Mrs Universe Philippines 2026

Kris Bernal at Chariz Solomon ambassadress ng Mrs. Universe Philippines 2026

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAGANDANG achievement para kina Kris Bernal at Chariz Solomon na italaga o mapili bilang mga ambassadress ng Mrs. Universe Philippines 2026.

Ang Sparkle GMA Artist Center mismo, sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Instagram account ang nagbahagi ng magandang balitang ito.

Makikita sa post ang mga litrato ng dalawang female Sparkle star na mga certified misis na naka-sash at may suot na identical na korona.

Sina Kris at mister niyang si Perry Choi ay may isang anak na, si Hailee.

Samantala, may tatlong anak si Chariz na sina Apollo, Ali, at Andreas.

Last June ay kinoronahan si Fatima Figueroa Alvarez from Pampanga bilang Mrs. Universe Philippines 2026.

Siya ang nakatakdang maging representative ng Pilipinas sa Mrs. Universe 2026 this October 24 sa Sri Lanka.

Last year, 2025 nagwagi si Sugar Mercado bilang Mrs. Universe Official 2025.

Nasungkit din niya ang mga special award na Best Talent, Best National Costume, at Best Long Gown sa pageant na ginanap sa San Pedro, Laguna.