Honey Love Johnson

Direk Perry Escaño bilib kay Honey Love Johnson, single na “Goodbye For Now” wish maging new graduation anthem

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG dalawang latest singles ng newbie singer na si Honey Love Johnson titled “Wait Lang” at “Goodbye For Now” ay released ng Star Music.

Ang launching nito ay ginanap sa Music Box last week. Present dito sina Direk Perry Escaño na sumulat ng dalawang kanta at nagdirek ng music video nito. Sina Bo Bautista at Celyn David ay bahagi ng music video, ngunit hindi umabot si Celyn sa naturang media launch.

Si Honey Love ay 11 years old, Grade 5 at lumaki sa US kaya hirap pang mag-Tagalog. Isa siyang budding recording artist na nasa pangangalaga ng Gleam Artists Management at MPJ Entertainment Productions.

Ayon kay Direk Perry, “Honey Love trained with Gleam Artists Management since 2023, I saw how she developed and improved her craft as artist especially in her singing talent. Although she is at her very young age, she is very dedicated, hardworking and like a pro and always listens to us and to her coaches.”

Sinabi pa ni Direk Perry na ang Goodbye For Now ay naisulat niya noong panahon ng Covid-19 pandemic. “Noong namatay ang very close friend ko during pandemic, doon ako nag-start na sulatin iyong Goodbye For Now. Kasi, ang dami naming pinagsamahan… I asked help sa kaibigan kong arranger na si Peter Soria.  

“I think siguro it’s time na, maganda na rin siguro kung iyong new generation na may puwede nating kantahin during graduation. Kasi parang wala na tayong bagong grad song, e. So, I think this is the right time siguro na we have a new song, fresh, na Goodbye For Now na si Honey Love Johnson iyong kumakanta.”

Incidentally, sa music video nito ay makikita na tinalakay ang hinggil sa bullying sa school. Kaya makaka-relate talaga ang mga estudyante sa song na ito.  

Ang Wait Lang at Goodbye For Now ay streaming na ngayon sa Star Music’s YouTube channel, Spotify, Apple Music, iTunes, Deezer at iba pang digital music platforms.