MAHIGIT ₱1.5 milyong halaga ng relief assistance ang naipamahagi ng ABCVIP Alliance, katuwang ang mga online gaming brands na ABC8, J8, PH8, U888, AP777, AQ777, SH777, at 777SH, sa mahigit 3,000 pamilya at indibidwal na naapektuhan ng malakas na lindol sa Sarangani.
Kabilang sa mga nabigyan ng tulong ang mga residente ng Barangay Batulaki, isa sa mga pinakamalayo at pinakamahirap marating na lugar sa bayan ng Glan. Ayon sa mga lokal na opisyal at residente, ang ABCVIP Alliance ang isa sa mga pinakaunang grupo at kauna-unahang online casino alliance na personal na nagtungo sa lugar para maghatid ng agarang ayuda.
Hindi naging madali ang misyon ng grupo. Mula Metro Manila, bumiyahe ang mga volunteer patungong Mindanao dala ang libo-libong relief goods. Dahil sa limitadong biyahe patungong General Santos City, dumaan pa sila sa Davao City bago bumiyahe ng ilang oras patungong Sarangani.
Mas naging mahirap ang pagpunta sa Barangay Batulaki dahil sa mga landslide, nasirang kalsada, tulay, at matinding trapiko dulot ng lindol. Sa ilang bahagi ng ruta, kinailangan pang tambakan ang mga ilog upang makagawa ng pansamantalang daanan para lamang makatawid ang mga sasakyang may dalang relief goods.
Sa kabila ng mga hamon, matagumpay na naihatid ng grupo ang mga relief pack na naglalaman ng bigas, pagkain, inuming tubig, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang pansamantalang naninirahan sa evacuation centers at tent communities.
Bago ang pamamahagi ng ayuda, nagsagawa rin ng relief packing operations ang ABCVIP Alliance sa Barangay Diamond Calumpang, na nakiisa ang mga residente sa paghahanda ng libo-libong relief packs bilang pagpapakita ng diwa ng bayanihan.
Ayon sa mga organizer, higit pa sa relief goods ang layunin ng kanilang misyon. Hangad nilang maiparating sa bawat pamilyang naapektuhan ng sakuna na hindi sila nag-iisa at may mga taong handang tumulong sa kanilang pagbangon.
Nagpasalamat naman ang ABCVIP Alliance sa kanilang mga volunteer, sponsors, donors, partners, at supporters na naging bahagi ng matagumpay na relief mission, habang tiniyak nilang ipagpapatuloy ang kanilang mga programa upang makatulong sa mas marami pang komunidad na nangangailangan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com