Thursday , June 18 2026
Enzo Gallardo Cesar Montano Liza Soberano

Newbie teen actor ng Pampanga gustong makatrabaho sina Cesar at Liza

MATABIL
ni John Fontanilla

VERY promising ang tall, dark and handsome newbie teen actor na si Enzo Gallardo na nagmula sa Pampanga.

Bata pa si Enzo ay pangarap na ang maging artista.

Thankful nga ako at na-discover po ako ng manager ko ngayon, si sir Jann Vicente.

Na-discover po ako dahil sa kaibigan kong talent niya na kasama kong naggi-gym.

“Tapos one day, pinuntahan po siya ni sir Jann sa gym, nakita ako at inalok kung gusto kong mag-artista?

“Isaid yes, then after that nag-meeting po kami and now isa na ako sa artists niya.”

Inspirasyon ni Enzo si Cesar Montano sa pagpasok sa showbiz.

Hinahangaan nito ang husay ni Cesar sa mga makabuluhang pelikula na ginagawa nito.

Ayon nga kay Enzo, “Favorite actor ko po si Cesar Montano dahil nakikita ko po sa kanya ‘yung determination at pagiging passionate niya sa kanyang trabaho.

“Bilib po ako sa kanya dahil sa husay niya sa mga role na ginagampanan niya.

“Gusto ko ‘yung mga pelikula na ginagawa niya may pagka-makabayan at nagbibigay inspirasyon sa maraming Filipino.

“Sana makatrabaho ko siya in the near future mapa-tv o pelikula.”

Bukod kay Cesar, hinahangaan din nito si Liza Soberano.

Humble, professional at totoo sa sarili si Liza.

“Bukod sa ipinakikita n’ya na hindi mo kailangan magpanggap para lang makamit ang pangarap.

“Dahil po roon, isa po ako sa mga na-inspire niya para maging totoo sa sarili,” sabi pa ni Enzo.

Sa ngayon ay may mga TV guesting na rin  si Enzo at patuloy na nagwo-workshop sa acting, singing, dancing atbp. para sa mga project na darating.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rico Blanco Project Baby

Rico Blanco gusto pa ring maikasal 

RATED Rni Rommel Gonzales MAY point in time pala na pumasok sa kamalayan ni Project Baby male …

Debbie Lopez

Debbie Lopez parang nanalo na sa nominasyon sa Star Awards for Music 

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kaarawan kamakailan si Debbie Lopez sa Le Prive, isang cinema themed concept cafe …

JMRTN Ima Castro Faith Cuneta

JMRTN magtatanghal kasama sina Ima at Faith  

MATABILni John Fontanilla FRESH mula sa successful Pinoy Music Power concert series sa Toronto Canada ng tinaguriang …

Charo Cordial Kris Lawrence Katrina Halili Katie

Kris sinagot balikan nila ni Katrina 

NAGIGING palagay ang loob ng bawat celebrity na naitatampok ng Maddox Jewelry owner na si Charo …

Atasha Muhlach Annie Batungbacal

Atasha Muhlach magbibida sa Bongga Ka ‘Day Musical 

I-FLEXni Jun Nardo DESMAYADO ang fans ng isang singer-actress dahil hindi ang idolo nila ng nakuhang female …