TUWANG-TUWA si Patricia Javier sa sobra-sobrang malasakit at pagmamahal ni Alexia Nun̈ez sa mga Filipino.
Si Alexia bagamat Brazilian ay Pinoy na Pinoy by heart kaya naman siya ang pambato ng Pilipinas saMiss Grand International (MGI) All Stars na gagawin sa Thailand.
Sa send off presscon ng Noble Queen ay ikinuwento ni Patricia ang magagandang nagawa ni Alexia sa mga indigenous community sa bansa lalo na sa mga kababayan nating Aeta.
Ayon nga kay Patricia, kahit ‘di Pinoy si Alexia ay 100 percent naman itong Pinoy sa puso at mahal na mahal niya ang Pilipinas
Si Alexia ay nakapag-asawa ng Pinoy at ilang taon na ring naninirahan sa bansa.
At sa isang fashion show nga ay inirampa ni Alexia ng mga damit na gawa ng mga Aeta, bilang pagsuporta at pagmamahal sa mga ito.
Bukod pa riyan ang ginagawang medical mession at pamimigay ng pagkain sa mga Aeta.
Wish ni Patricia kay Alexia, masungkit ang titulo at korona bilang kauna-unahang Miss
Grand International (MGI) All Stars 2026 para sa bansang Pilipinas.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com