Monday , June 8 2026
Andrew Gan VMX

Andrew Gan abala sa kaliwa’t kanan projects, humahataw bilang movie producer

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY pa rin sa paghataw sa kaliwa’t kanang projects ang actor, businessman, at chef na si Andrew Gan.

Sobrang sipag nitong si Andrew, in fact, pinagsasabay niya ang showbiz at pagiging negosyante. Actually, hahit maraming negosyo ay hindi pa rin napapabayaan ni Andrew ang kanyang passion sa pag-arte.

Pinagbidahan nila ni Kate Alejandrino ang seryeng “A Mother’s Vengance” sa iWant. Nag-guest din si Andrew sa “What Lies Beneath” TV series. Plus, kamakailan din ay muling sumabak sa stage play ang aktor via “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas. Nakasama niya rito si Preet Singh bilang si Laura.

As a businessman naman, mayroon siyang dalawang private resort, ang Casa Mama located sa Imus, Cavite, at ang Casa Pamilia sa Marilao, Bulacan naman. Isa rin si Andrew sa endorser at investor sa EcoEenergy Gas stations, na may ilang branches na rin.

Early this year ay sumabak na rin siya sa pagiging movie producer. Unang venture niya ang “Scissors” ni Direk Christopher Novabos and ang pel;ikula ay tinampukan nina Allison Ross, Rhian Rivera at Ghion Espinosa.

Isa itong GL (girl’s love) at makikita rito ang dalawang babae na nagka-inlaban. Ito ay mula sa The Good Bois Production.

Gaya nang nabanggit niya sa amin noon, tuloy-tuloy nga ang paggawa niya ng movie para nakatulong din sa mga manggagawa sa movie industry. 

Natapos na ring gawin ng movie company ni Andrew ang  pelikulang “Monay,” starring ang sexy actress na si Sahara Bernales at ang “Sugar Mommy” nina Ashley Lopez and Jamilla Obispo.

Kuwento sa amin ng aktor, “Kakatapos lang pong i-shoot iyong movie na Monay and Sugar Mommy. Iyong isa pang project, iyong Siping ay this week ang shoot po.”

Esplika pa ni Andrew, “Iyong Sugar Mommy ay maganda ang casting, bale, matagal na po iyon na nakakasa. Sina Ashley at Jamilla po ang bida rito, si Ashley mabait na bata iyan.”

Ano ang acting project na pinagkaka-abalahan niya ngayon?

Aniya, “Katapos lang po tito ng Mother’s Vengance, ‘yung series namin ni Kate. So habang waiting pa ako, sa likod muna ako ng camera, hahaha!”

Mas focus ba siya ngayon as a movie producer? Possible ba na gumawa rin siya ng project para sa Viva One?

“Actually tito, Viva One ang nilo-look forward ko talaga. May niluluto, hopefully ay matuloy po ito,” pakli pa ni Andrew”

So, posible rin ba na gagawa siya ng project na pang Genz?

“Kapag nag-open po for producing, puwede naman natin i-try para mai- cast ko ang sarili ko, hahaha! Joke!” Nakatawang reaksiyon pa ni Andrew.

Bale, mas okay ba na pinagsasabay niya ang acting at pagiging movie producer?

Tugon niya, “Sabay po tito… kumbaga, kung saan po tayo may opportunity. Especially ngayon na sobrang hina ng mga business dahil sa economy po natin.”

Anyway, kaabang-abang ang mga pelikulang Monay, Sugar Mommy, at Siping sa Viva app. Tiyak na hindi mabibitin ang manonood sa mga pelikulang ito dahil may hatid itong kakaibang pampainit at pampagana, lalo na sa mga barako.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Christy Imperial Apphle Celso Meg Imperial Ashtine Olviga

Apphle Celso proud kay Ashtine; Christy nahigitan pagpapa-sexy ni Meg

NATATAWANG ibinahagi ni Christy Imperial na hindi akalain ng pinsan niyang si Meg na malilinya siya sa pagpapa-sexy sa …

Kaye Abad Cancer Survivors Month

Kaye ipina-tattoo pink ribbon para sa Cancer Survivors Month

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “FOR quiet battles and victories of a cancer survivor.” Caption ng tattoo …

Apphle Celso Christy Imperial

Marian at Dakota Johnson inspirasyon ni Apphle para mahalin ang sarili

MATABILni John Fontanilla IDOLO ng VMX actress na si Apphle Celso sina Marian Rivera at Hollywood actress Dakota Johnson. Ayon kay Apphle …

Jillian Ward

Jillian mas gustong pribado ang buhay pag-ibig 

MATABILni John Fontanilla MAS gustong maging pribado ang lovelife ng  Kapuso Drama Princess na si Jillian Ward. …

Mia Japson

Recording artist na si Mia Japson, proud sa nakamit na parangal 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio THANKFUL ang bagets na recording artist na si Mia Japson …