Thursday , June 4 2026
Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Ghost riders’ buko ng LTFRB sa fuel subsidy

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

SALAMAT sa fuel subsidy…at siyempre maging sa mapanuring estratehiya ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa ilalim ng pamumuno ni Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II, upang mabuko ang mga alagang ‘multong riders’ ng ilang kompanya ng motorcycle taxi.

Bakit salamat sa subsidiyang pang-gas? Hehehe…dahil kasi rito ay nabuko ni Atty. Vigor ang kalokohan ng mga kompanya na nagpapatakbo ng taksing motorsiklo.

Batid naman natin na ang operasyon ng motorcycle taxi ay sa pamamagitan ng “apps” at marahil inaakala siguro ng ilang motorcycle taxi company basta “digital” ay makalulusot na, e nagkamali sila dahil nabuko sila sa mapanuring pamamaraan ng ahensiya. ‘Ika nga, kung nakalulusot  sila sa mga nagdaang taon o administrasyon, hindi na sila umubra ngayon at nakahanap sila ng katapat kay Chairman Vigor.

Ang nabuko lang naman na kaalingasngasan ay napakaraming ‘extra riders’ (ghost rider) sa app na wala naman sa listahan ng LTFRB.

Heto ngayon ang nakatutuwa sa hakbangin ng gobyerno — sa pagbibigay ng fuel subsidy nabuko ang nasabing discrepancy na tila naging “lie detector test” ang subsidiya.

Paano nabuko? Noong mamimigay na ng ayuda sa gasolina, biglang nagpasa ng listahan ang mga kompanya. Nagtaka ang LTFRB kung bakit dumami o napakahaba ng listahan. Mas marami pa ang pangalan sa listahan kaysa pinayagang limitasyon (CAP). Kaya sa pagkakabuko, goodbye ‘ghost riders’ at ‘zombie accounts’. Hehehe

Heto ang nakitang nilabag:

Overboarding o ang pagtanggap o pagpapasakay ng mga rider at sasakyan na lampas sa itinakdang limitasyon (cap) na ibinigay ng Lupon para sa operasyon.

Service Abandonment (Pagpapabaya sa Serbisyo): Pagkabigong mapanatili ang mga orihinal na unit na kinuha para sa platform; lumalabas na karamihan rito ay lumipat sa ibang platform o tuluyan nang huminto sa pagbiyahe, na nagreresulta sa kawalan ng maaasahang serbisyo para sa mga commuter.

Dahil dito, pinagpapaliwanag ni Atty. Vigor ang nabukong siyam na motorcycle firms kaugnay sa alingasngasan – magpapaliwanag sila kung bakit hindi kailangan kanselahin o suspendihin ang kanilang authority to operate.

Ang hakbanging ito ng LTFRB ay isang tagumpay para sa mga suki o pasahero dahil ang paglilinis na ginagawa ng LTFRB ay para sa kaligtasan/seguridad ng mga parokyanong pasahero ng mga motorcycle taxi.

Salamat sa fuel subsidy na naging daan upang mabuko ng LTFRB ang kaalingasngasang ito ng ilang motorcycle taxi company.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …