Thursday , June 4 2026
arrest, posas, fingerprints

Magkapatid na most wanted sa Surigao del Norte nasakote sa Bulacan

ISANG manhunt operation ang isinagawa ng CIDG Bulacan Provincial Field Unit, kasama ang PNP Special Action Force, Intelligence Group, at mga territorial police unit na nagresulta sa pagkakaaresto ng magkapatid na pugante na may warrant of arrest sa Brgy. Abangan Sur, Marilao, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinarating kay PMGeneral Robert “AA” Morico II, direktor ng CIDG, nakasaad ang mga naarestong akusado ay kinilalang sina “Lando” at “Lino”, magkapatid, parehong nasa hustong gulang at tubong Surigao del Norte.

Si “Lando” ay inaresto dahil sa apat na warrant of arrest — dalawa para sa kasong murder; pagdiskarga ng baril; at bigong pagpatay na inisyu ng mga korte ng Surigao del Norte noong 25 Agosto 2023, 4 Oktubre 2023, 16 Oktubre 2023, at 23 Oktubre 2024, ayon sa pagkakabanggit.

Samantala, si “Lino” na kanyang nakababatang kapatid ay kapwa akusado sa kasong pagpatay, na walang inirekomendang piyansa.

Si “Lando” ay nakatala bilang National Most Wanted Person na may P 145,000 pabuya alinsunod sa DILG Memorandum Circulars.

Siya rin ay tinaguriang Number 3 Provincial Level – Most Wanted Person sa Surigao del Norte.

Matapos ang pag-isyu ng mga warrant of arrest noong 2023, umalis ang magkapatid sa Surigao Del Norte at nagtago sa Bulacan upang makaiwas sa pag-aresto.

Sa pag-aresto sa mga pugante, natuklasan at narekober ng operating team mula sa pag-aari at kontrol ni “Lando” ang dalawang yunit ng kalibre .45 pistola, isang yunit ng magasin ng hand grenade at mga bala.

Ang pinaigting na Oplan Pagtugis – manhunt operation ng CIDG ay alinsunod sa nakatutok na programa ng Chief of the Philippine National Police, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Kasunod nito ay pinapupurihan ng pamunuan ng CIDG si PColonel Grant A Gollod, ang Regional Chief ng CIDG Regional Field Unit 3 at ang CIDG Bulacan Provincial Field Unit sa pangunguna ni PMajor Domingo A. Resma, Jr., at ang mga pinagsamang yunit para sa intel-driven na paghuli sa isang national most wanted person at sa kanyang kapatid na pugante. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …