Monday , June 22 2026
Jojo Mendrez

The Revival King na si Jojo Mendrez, may new rendition ng OPM classic na “Yakap”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG kilalang OPM artist na si Jojo Mendrez ay bibigyang-buhay ang minamahal na klasikong kantang Filipino na “Yakap” na unang pinasikat ni Junior noong 1979.

Sa pamamagitan ng kanyang madamdamin at natatanging estilo, hatid ni Mendrez ang isang makabago at may pusong interpretasyon na muling nagpapakilala sa walang kupas na awitin sa bagong henerasyon ng mga tagapakinig.

“It is a dream song for me, Star Music selected the track during one of our meetings and said it suited me perfectly. I also expressed my wish to have Jonathan Manalo arrange it and they made it happen,” pahayag ni Jojo na kilala rin bilang “The Revival King.”

Swak sa bansag na naging mas kilala siya, nakabuo si Mendrez ng matibay na reputasyon sa kanyang estilo na muling pagbuhay ng mga iconic na OPM hits.

Kabilang sa mga kilalang remake niya ang “Tuyo Na’ng Damdamin” ng Apo Hiking Society, na isa siya sa unang nag-reinterpret at kinanta niya ito sa Eat Bulaga. Ang ilan pang classics na ni-reimagined niya ay ang “Magkabilang Mundo” (originally by Jireh Lim), “Sana,” at “Handog” by Florante, na ang version ni Jojo ay nagkamit ng Revival Song of the Year honors sa 11th Star Awards for Music ng PMPC.

Ang kanyang hindi malilimutang rendition ng “Somewhere in My Past,” na orihinal na kinanta ng dating child star na si Julie Vega and composed by Mon del Rosario, ay nananatiling isa sa standout performances ni Mendrez. Ang nasabing awitin ay naging viral na nakapagtala ng higit 50 million views sa social media. Sa lalo pang pagpapalawak ng kanyang repertoire, si Jojo ay ni-revive rin ang international hit na “Valentine” ni Jim Brickman.

Nakatakda siyang mag-release ng panibagong remake, ang kantang pinamagatang “Boy” na originally ay mula kay Timmy Cruz na composed by Mon del Rosario. Kasama rin sa aabangan sa kanya ang  interpretations niya ng “Bakit Ba Ganyan” (ni Dina Bonnevie), “Tamis ng Unang Halik” (by Tina Paner), at “Pangako” ng Kindred Garden.

Bukod sa revival songs, si Mendrez ay patuloy na nagre-record ng mga original music. Kabilang dito ang “Basta Ikaw” composed and arranged by the late Andrei Dionisio, pati na ang “Diwa ng Pasko”, “Kahit Sandali”, at “Mula Nang Mawala’y Sayo”. Isinulat din niya ang “Minahal Kita” featured ito sa kanyang debut album na pinamagatang “Inspirasyon” at distributed ng Ivory Records.

Si Jojo ay nagpahayag din ng pasasalamat sa Star Music sa pagsuporta sa kanyang mga original na awitin, kasama rito ang “Nandito Lang Ako” at ang kanyang hit song na “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” na parehong isinulat ni Jonathan Manalo.

Ang Yakap, na inareglo ni Tommy Katigbak, produced by Jonathan Manalo at ini-release sa ilalim ng Star Music, ay available na ngayon sa lahat ng major digital streaming platforms.

Bukod sa  musika, si Mendrez ay nananatiling aktibo sa social media, na siya ay kilala rin sa tawag na “Super Jojo” dahil sa kanyang pambihirang generosity at ang madalas na niyang nakaugalian na ginagawang pagse-share o pagbabahagi ng blessings sa kanyang mga tagahanga at masusuwerteng followers.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Nustar Online IRUNPH South Run All Out, All Proud

Nustar Online sinuportahan mga lokal na magsasaka at IRUNPH South Run: All Out, All Proud

ISANG matagumpay  at makabuluhang milestone para sa Nustar Online ang pagsali sa IRUNPH South Run: All Out, All Proud bilang …

Film Academy of the Philippines Pinoy Oscars Pursuit

Film Academy of the Philippines binuksan Oscars Grants Program para sa mga Filipino Filmmaker

BINUKSAN ngayon ng Film Academy of the Philippines ang mga pagsusumite para sa grants program, ang Pinoy Oscars …

Atasha Muhlach Annie Batungbacal Bongga Ka Day The Musical

Atasha pinaghandaan audition sa Bongga Ka, Day The Musical 

I-FLEXni Jun Nardo DUMAAN sa matinding auditions at call backs si Atasha Muhlach bago napili bilang  Annie Batungbacal sa Viva …

Vince Rillon The Cheating Wife

Vince Rillon ‘di maiwan ang VMX 

I-FLEXni Jun Nardo NAGLILIWALIW muna ang VMX artist na si Vince Rillon at ang VMX movie na The Cheating Wife ang …

Jhen Boles

Jhen Boles College Instructor II na

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang successful businesswoman/Philanthropist na si Jennifer Boles o mas kilala sa showbiz bilang Jhen …