Rabin Angeles Angela Muji Viva One Originals RabGel

Tambalang RabGel may sarili ng anthology

MATABIL
ni John Fontanilla

EXCITED na ang tambalang  RabGel (Rabin Angeles at Angela Muji) sa nalalapit na pagpapalabas ng kanilang kauna-unahang  anthology na mapapanood sa Viva One Original, ang Viva One Originals: RabGel.

Magsisimula sa May 15 ang pagpapasabog ng kilig sa kanilang anthology ang, Ang Rider Kong Hoodlom sa direksiyon ni Philip King; May 22, Same Day Error  na makakasama ni Rabin si Gerald Napoles, directed by Ryan Brizuela.

Makakatrabaho naman ni Angela si Carlo Aquino sa My CEO Thinks I’m a Robot sa May 29  at sa June 5 kilig overload naman ang hatid ng RabGel sa US, Maybe na idinirehe ni Crisanto Aquino.

Ang tambalang RabGel ang isa sa fastrising loveteam ng Viva na unang minahal ng mga Pinoy sa Wattpad series adaptation ng Drake Palma at sa pelikulang A Werewolf Boy, kung ‘di lang kilig kundi husay sa pag-arte ang kanilang ipinakita.

Kaya naman sabay-sabay nating panoorin  ang Viva One Originals: RabGel simula May 15 sa Ang Rider Kong Hoodlom.