MATABIL
ni John Fontanilla
USONG-USO ang reunion show ng mga dating grupo katulad ng Sex Bomb Girls na may rAWnd 6 na sa MOA Arena at may international concert pa.
Successful din ang reunion concert ng grupong Parokya ni Edgar at dinumog talaga.
At ngayon nga ay may bali-balita na magsasama-sama sa isang concert ang mga winner at naging contestant ng sumikat na singing competition noon, ang Metro Pop Star Search.
Ilan sa galing ng MetroPop Star Search sina Roxanne Barcelo, Faith Cuneta, Miles Poblete, Anna Katrina Lara, Camille Velasco, Champagne Morales atbp..
Balitang magaganap ang reunion ng Metro Pop Star Search ngayong taon at ‘yan ang ating aabangan!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com