MA at PA
ni Rommel Placente
NATUPAD na rin ang pangarap ni Alden Richards na makasama sa isang serye ang idolo niyang si Christopher de Leon via Code Gray. Dream come true para kay Alden na makatrabaho ang daddy ni Ian de Leon.
Sabi ni Alden sa panayam sa kanya ng Pep.ph, ”He’s one of the actors that I look up to.
“Finally, parang ito ‘yung dream come true ko for this year. Kasi very vocal ako whenever I get into it, sinasabi ko kung sino talaga ‘yung iniidolo and gusto kong makatrabahong actors.
“Of course, the one only Mr. Christopher de Leon.
“And finally, makakatrabaho ko siya rito sa ‘Code Gray.’”
Bago magsimula si Alden sa nasabing serye, gagawin muna niya ang pelikulang Love Siargao na pagbibidahan nila ni Nadine Lustre.
Mayroon ding offer sa kanyang magdirehe muli ng pelikula. Hindi nga lang niya ito maisingit sa kanyang schedule dahil sa rami ng ginagawa niya ngayon.
“Baka hindi po muna this year. Focus po muna tayo sa… of course, ‘yung ‘Love Siargao,’ ‘Stars on the Floor,’ ongoing pa rin po kami, and then of course itong ‘Code Gray’ po.
“May mga project po na nakapila… na one of them is for a directorial job. Pero tinitingnan ko pa po kung kaya ng schedule kung kaya ko siya magawa,” aniya pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com