Tuesday , June 23 2026
Palawan Gentry Palawan Open 2026
NAGKAMAYAN sina Palawan Group of companies Chairman at founder Bobby Castro (pangatlo mula sa kaliwa), at Gentry Timepieces president Hayb Anzures pagkatapos ng MOA signing para sa gaganaping Palawan Open 2026 mula Mayo 22 hanggang 31 sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila. Kasama sa okasyon sina (mula sa kaliwa), Chief marketing officer Bernard Kaibigan, President at CEO Karlo Castro at Tournament Director Bobby Mangunay. (HENRY TALAN VARGAS)

Palawan, Gentry magtatambal para sa Palawan Open 2026

NAGKASUNDO ang Palawan Group of Companies at Gentry Timepieces sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement (MOA) para sa pagdaraos ng Palawan Open 2026—na itinuturing na susunod na pinakamalaking torneo ng tennis sa bansa.

Isinagawa ang pirmahan sa Palawan Manila Office Cybergate Plaza sa Mandaluyong City, katuwang ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Tennis Association (PTA).

Gaganapin ang Palawan Open 2026 mula Mayo 22 hanggang 31, 2026 sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila, na may kabuuang papremyong P2 milyon.

Ayon kay Chairman at Founder Bobby L. Castro, mahalagang hakbang ang paglulunsad ng torneo. Aniya, ang tennis ay nagtuturo ng pokus, estratehiya at katatagan—mga halagang nais nilang maibahagi sa mas maraming Pilipino.

Ipinahayag din ni Castro ang kanyang pasasalamat sa pakikipagtulungan ng Gentry Timepieces at kay Hayb Anzures, na aniya’y katuwang sa pagpapalawak ng interes sa tennis sa bansa.

Binanggit din ni Castro ang tagumpay ng Filipina tennis star na si Alex Eala bilang inspirasyon sa mga kabataang atleta.

Samantala, kinilala rin ang ambag ni Tournament Director Bobby Mangunay sa pagsasakatuparan ng naturang torneo.

Ibinahagi ni Castro na mula sa maliit na puhunan noong 1998, ang kanilang kumpanya ay lumago at ngayo’y kinikilala bilang isa sa pinakamalaking pawnshop sa Pilipinas. Dagdag pa niya, patuloy silang nagbabalik sa komunidad sa pamamagitan ng scholarship programs at iba pang proyekto.

Plano rin ng kumpanya ang pagtatanim ng isang milyong puno sa buong bansa, bukod sa patuloy na suporta sa sports, kabilang ang UP teams.

Ayon kay Gentry President Hayb Anzures, hindi na bago ang kanilang pakikipagtulungan sa Palawan. Aniya, mahalaga ang dedikasyon at tibay ng loob sa tennis upang makasabay sa pandaigdigang kompetisyon.

Suportado rin ng mga international stakeholders ang torneo, kabilang ang tennis coach na si Yatharth Vidrohi Bhardwaj ng India na nagsabing makatutulong ang Palawan Open sa paghubog ng mga atleta sa lokal at internasyonal na antas.

Inaasahang lalahok din ang ilang international players, kabilang ang tatlong atleta mula India na nasa Top 300 ng world rankings.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang mga lokal na manlalaro tulad nina Alberto Lim Jr. at John Benedict Aguilar, na sabik makipagsabayan sa mga banyagang kalahok.

Ayon sa mga organizer, ang Palawan Open 2026 ay hindi lamang isang torneo kundi isang hakbang para sa mas maliwanag na kinabukasan ng tennis sa Pilipinas. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …