BAGO pa man ang opisyal na anunsyo, ipinakita ng NUSTAR Online ang kanilang layunin na suportahan ang misyon ng Bb. Pilipinas Charities, Inc. (BPCI).
Ang pinakamatagal na aktibong pambansang beauty pageant, ang Binibining Pilipinas ay kampeon sa pagbibigay-lakas sa mga Filipina at pagpapatibay ng diwa nng pagkakaisa o sisterhood na nagbibigay kahulugan sa pageant.
Dulot ng pananabik at iisang pananaw, ang nasabing lifestyle gaming brand ay nakakuha nang tatlong-taong partnership, at sa taong ito nakapasok ito bilang isang Official Presenter. Dahil dito, ipinakita ng NUSTAR Online ang malakas, hands-on na presensya na nagpapaigting sa aktibong papel nito sa mga pangunahing pre-pageant milestones hanggang marating ang coronation night.
Mula sa huling screening at opisyal na pag-aanunsiyo sa mga kandidata hanggang sa sashing ceremony at mga serye ng mga susunod pang mga kaganapan, ipinagpapatuloy ng NUSTAR Online ang paglikha ng mga touchpoint na siyang magpapaangat sa pangkalahatang karanasan sa nasabing pageant.
Bilang isang lifestyle-driven brand, ang pagsali nila rito ay higit pa sa pagiging sponsor, ipinagdiriwang ng brand ang indibidwalidad at pinalalakas pa ang kompiyansa ng mga kandidata na siyang kumakatawan at binigyang kahulugan ng NUSTAR Online – Beauty (Ganda), Body (Katawan), at Personality (Personalidad).
Ang tatlong haliging ito ang nagbibigay gabay sa brand na kilalanin ang kandidatang siyang tunay na kumakatawan ng pagiging isang modernong Filipina.
Noong Marso 23, 2026 naganap ang opisyal na huling screening at anunsyo ng mga kandidata sa isang closed-door judging sa New Frontier Theater. Ang kinatawan ng NUSTAR Online sa panel ay ang Brand Manager na si Alex Barcela na gumanap sa isang mahalagang papel sa pagpili ng final roster.
“As early as the screening stage, NUSTAR Online has been fully involved in the Binibining Pilipinas journey. Being part of the panel allowed us to take a more active role in identifying candidates who reflect the confidence and individuality that the brand stands for. It was not an easy process, but it reflects how committed we are to being hands-on from the very beginning and in shaping a meaningful experience for both the candidates and the audience,” pagbabahagi ni Barcela.
Kasunod ng screening, ang huling 36 na kandidata ay malugod na tinanggap at nakatanggap ng mga exclusive kit mula sa NUSTAR Online. Sumisimbolo ito ng simula ng aktibong pagganap ng brand sa bawat kandidata ng Binibining Pilipinas habang nagpapatuloy ang kompetisyon.
Naganap naman ang sashing ceremony noong Abril 6, 2026 na dinaluhan ng media, pageant enthusiasts, at mga partner sponsor. Ang pagdiriwang ay pormal na ipinakilala ang 36 na kandidata na kumakatawan sa mga lalawigan at lungsod sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, na simbolo ng panimula sa kanilang paglalakbay patungo sa inaasam na korona.
Nagbukas ang programa sa pagbibigay ng paunang pananalita mula kay Irene Jose, COO ng Uniprom, Inc., na sinundan ng isang mensahe mula kay Pia Roxas Ojeda-Banal, miyembro ng Bb. Pilipinas Charities, inc. (BPCI) Executive Commitee, na nagbigay diin sa kahalagahan ng pageant sa taong ito kabilang ang iba pang partnership.
“It takes a village to go on this journey. And the sashing ceremony is really ‘Day One’ for our batch of 36 girls this year. So, thank you to the villages that helped them get to where they are today, and those that will walk with them toward coronation night,” paliwanag ni Ojeda.
Dagdag sa prestige ng naturang programa, ang pagdalo ng Bb. Pilipinas-Universe 1971, Vida Doriana sumali sa ceremonial sashing na sumasalamin sa pamana ng kahusayan ng pageant.
Habang patuloy ang kompetisyon, ipinagpapatuloy ng NUSTAR Online ang pagbuo ng platform na magbibigay-daan sa mga tagahanga na makita nang malapitan ang paglalakbay ng bawat kandidata. Dahil sa mga iba’t ibang aktibidad ng brand at digital initiatives na nakalinya sa mga susunod na buwan, asahan ang pagpapatuloy na pagkasabik ng mga tagasubaybay patungo sa coronation night.
Ang maaga at hands-on involvement ng NUSTAR Online ay isang pahiwatig na ang partnership ay hindi lamang nakikita ngunit ito ay consistently engaged. Ito ay nagbibigay sa mas kapana-panabik na karanasan habang papalapit ng Binibining Pilipinas 2026.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com