Thursday , June 4 2026
Brian Poe

Sa PH Veterans Week
ITINAMPOK, GINUNITA NI REP. BRIAN POE KABAYANIHAN NI FERNANDO POE, SR.

TANZA, Cavite, 10 Abril 2026 — Nagbigay-pugay si FPJ Panday Bayanihan Party-list Representative at Army Lieutenant Colonel Brian Poe (Res.) sa tapang at pagmamahal sa bayan ni Capt. Allan Fernando R. Poe Sr., sa isang wreath-laying ceremony na ginanap nitong Biyernes ng umaga sa New Reservist Firing Range sa Camp Riego de Dios, Tanza, Cavite, bilang bahagi ng paggunita ng Philippine Veterans Week.

Nagsimula ang seremonya daking 8:00 ng umaga at dinaluhan ng mga opisyal ng militar, reservists, at mga panauhin bilang paggunita sa naging serbisyo ni Fernando Poe Sr., noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at bilang pagkilala sa sakripisyong inialay ng mga beteranong Filipino para sa bayan.

Sa kanyang mensahe, binalikan ni Poe ang buhay at serbisyo ni Fernando Poe Sr., na isinilang sa San Carlos City, Pangasinan, at agad tumugon sa tawag ng tungkulin sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pumasok siya sa aktibong serbisyo noong 20 Disyembre 1941 bilang miyembro ng Reserve Officers ng Armed Forces of the Philippines.

Nagsilbi siya bilang Assistant Provost Marshal sa ilalim ni General Simeon de Jesus at kalaunan bilang Platoon Leader at Morale Officer sa Bataan, kung saan tumulong siya sa pagligtas ng mga sibilyan sa gitna ng labanan bago siya nahuli ng mga puwersang Hapones at napilitang magmartsa sa Bataan Death March matapos bumagsak ang peninsula noong 9 Abril 1942. Sa kabila ng matinding pagsubok, ipinagpatuloy niya ang pakikibaka bilang bahagi ng Panay Guerrillas sa ilalim ni Colonel Macario Peralta, Jr.

Ayon kay Poe, ang seremonya ay hindi lamang pag-alaala sa kabayanihan ni Fernando Poe Sr., kundi isang pagpapatibay rin ng pananagutang iniatang sa kasalukuyang henerasyon upang ipagpatuloy ang mga adhikaing ipinaglaban ng mga beterano.

“Now, as we offer these flowers in the midst of Veterans Week, we do not only remember the heroism of Fernando Poe Sr. and the thousands of Filipino veterans. We also carry forward the duty they began,” ani Poe.

Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel ng mga reservist sa pagpapanatili ng diwa ng pagmamahal sa bayan, disiplina, at paglilingkod, at iginiit na ang halimbawa ng mga bayani noong panahon ng digmaan ay dapat manatiling gabay ng bansa.

Dumalo rin sa seremonya ang ilang matataas na opisyal ng militar, kabilang sina Col. Edgardo Monjardin, Chief of Staff ng Reserve Command ng Philippine Army; Col. Roberto Q. Beatisula Jr., Commander ng Provincial Task Force-Cavite; at Lt. Col. Melchor P. Fernando, Battalion Commander ng 402nd Regional Reserve Infantry Battalion.

Nagpahayag ng pasasalamat si Poe sa Armed Forces of the Philippines at sa mga reservist ng bansa sa kanilang patuloy na dedikasyon sa serbisyo militar, at binigyang-diin na ang kanilang sakripisyo ang nagsisiguro na mananatiling buhay ang pamana ng kabayanihan ng mga beteranong Filipino para sa mga susunod na henerasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …