Thursday , June 18 2026
Kim Chiu Sofia Andres

Sabunutan nina Kim at Sofia klik sa netizens

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

ALIW panoorin ang sagupaan nina Kim Chiu at Sofia Andres. Aakalain mong makatotohanan ang sabunutan at pagpapalitan ng masasakit na salita.

Kinasabikan online ang mainit na bangayan at sabunutan nina Kim at Sofia sa primetime teleserye ng ABS-CBN na The Alibi: Ang Buong Katotohanan sa episode noong Martes (Abril 7). 

Malupit ang komprontasyon ng dalawa sa harap ng publiko matapos ipagsigawan ni Claudia (Sofia) ang pagiging kabit ni Stella (Kim) ng kanyang asawang si Vincent (Paulo Avelino). Bilang ganti, inilantad naman ni Stella ang panloloko ni Claudia na ibinulgar ang lihim na relasyon nito kay Walter (Sam Milby), na best friend ng kanyang mister.

Pinagpiyestahan ng fans ang sagutan at eskandalo ng parehong palaban na mga babae, na nauwi sa pagbuhos ni Claudia ng kape kay Stella at tuluyan nang nagsabunutan ang dalawa. 

Malandi ka!” galit na sigaw ni Claudia.

Bilang resbak, bumanat si Stella at sinabing, “Pareho tayong kabit dito. Mas malala ka pa nga dahil kinalantari mo ’yung best friend ng asawa mo.”

Hindi lang itong tagpong ito ang mapapanood sa The Alibi dahil lalo pang titindi ang tensyon sa mga susunod na episode matapos ang rebelasyon na naging mag-jowa sina Stella at Walter bago maganap ang misteryosong pagpatay kay Walter. 

Napapanood ang The Alibi: Ang Buong Katotohanan sa ABS-CBN sa ALLTV2, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 pm..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rico Blanco Project Baby

Rico Blanco gusto pa ring maikasal 

RATED Rni Rommel Gonzales MAY point in time pala na pumasok sa kamalayan ni Project Baby male …

Debbie Lopez

Debbie Lopez parang nanalo na sa nominasyon sa Star Awards for Music 

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kaarawan kamakailan si Debbie Lopez sa Le Prive, isang cinema themed concept cafe …

JMRTN Ima Castro Faith Cuneta

JMRTN magtatanghal kasama sina Ima at Faith  

MATABILni John Fontanilla FRESH mula sa successful Pinoy Music Power concert series sa Toronto Canada ng tinaguriang …

Charo Cordial Kris Lawrence Katrina Halili Katie

Kris sinagot balikan nila ni Katrina 

NAGIGING palagay ang loob ng bawat celebrity na naitatampok ng Maddox Jewelry owner na si Charo …

Atasha Muhlach Annie Batungbacal

Atasha Muhlach magbibida sa Bongga Ka ‘Day Musical 

I-FLEXni Jun Nardo DESMAYADO ang fans ng isang singer-actress dahil hindi ang idolo nila ng nakuhang female …