Thursday , June 4 2026
Parañaque Police PNP

Nagtiwala sa nakilala sa dating app
JAPANESE NINAKAWAN, INABUSO SA HOTEL

KARAHASAN hindi kasiyahan ang kinauwian ng pakikipagkaibigan ng isang Japanese national sa isang transgender sa dating app nang makipagkita sa loob ng isang silid sa isang hotel sa Parañaque City nitong Miyerkoles, 8 Abril.

        Ngunit ang pakikipagkita ng dayuhan sa kaniyang nakilala sa isang dating app ay isang malaking disgrasya matapos siyang pagnakawan ng tatlong transgender sa loob mismo ng kanyang silid sa isang hotel sa Parañaque

Kinilala ni Parañaque CPS chief P/Col. Nicolas Piñon ang biktimang si alyas Uri, 26 anyos, Japanese national, at kasalukuyang nananatili sa Seaside Drive, Entertainment City, Brgy. Tambo, sa nabanggit na lungsod.

Nadakip ng pulisya ang isa sa mga suspek na kinilalang si alyas Justine, habang ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas Riley at alyas Kitty, ay nagawang makatakas na hanggang sa kasalukuyan ay tinutugis ng mga awtoridad.

Ayon sa biktima, nakilala niya si alyas Riley sa isang dating app at nakipagkasundong makipagkita sa kaniyang silid sa hotel.

Dumating si alyas Riley kasama ang dalawa pang suspek.

Habang nasa loob ng silid, pinilit umanong hubaran ng mga suspek ang biktima at gawan ng kahalayan, saka hiningian ng tig-P20,000 para sa kanilang tatlo.

Lalong lumala ang sitwasyon nang sipain ang biktima ng mga suspek at tutukan ng baril habang pinilit na mag-withdraw ng pera.

Sa ulat ng pulisya, sinamahan ni alyas Justine ang biktima sa isang ATM, kung kailan patagong ipinakita ni alyas Uri sa receptionist ng hotel ang kaniyang cellphone na may nakasulat na “Please help me.”

Agad inalerto ng receptionist ang hotel security, at sa tulong ng isang Japanese interpreter, nadakip ng mga awtoridad ang suspek na si alyas Justine.

Ngunit pagbalik nila sa silid, nadiskubre ng biktima na tumakas na ang dalawa pang suspek tangay ang kaniyang mga perang aabot sa halagang 200,000 Yuan at P9,000.

Kasalukuyang nakapiit si alyas Justine sa Parañaque CPS custodial facility at nahaharap sa kasong pagnanakaw habang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawang nakalalayang suspek.  (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …