Gabbi Ejercito Jac Abellana Wattpad Hell University

Anak nina Gary at Jojo gagawa ng sariling pangalan; Heart Ryan handa nang magbida

I-FLEX
ni Jun Nardo

PASOK sa bagong Wattpad series adaptation na Hell University ang mga anak ng artist na sina Gabbi Ejercito at Jac Abellana.

Anak nina Gary Estrada at Bernadette Alyson si Gabbi habang anak ni Jojo Abellana si Jac.

Kabilang ang dalawa sa star-studded cast ng HU na magsisilbing launching nina Heart Ryan at Zeke  Polina na may 178 million reads mula sa book na isinulat ni  Knightblack na mapapanood sa Viva One next year.

Mula sa supporting roles sa series na Kurdapya at Da Pers Family at pagbida sa horror movie na Nanay Tatay, handang-handa na si Heart para maging bida at ilabas ang kakayahan at husay sa serye.

Support naman si Zeke sa Mutya ng Section E kaya biggest break niya ang HU dahil siya ang lalabas na Supremo o  Student Council President sa paaralan na hindi kontrolado ng gobyerno.

Kabilang din sa cast sina Andre Yllana, Aubrey Caraan, Lance Car at marami pang iba na pilit tatakasan ang  lugar na balot sa kadiliman at idinirehe ni Bobby Bonifacio, Jr..