Robin Padilla Aljur Abrenica AJ Raval

Robin ‘di alam na may anak si Aljur kay AJ

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI pala aware si Sen Robin Padilla na ang kanyang  former son-in-law na si  Aljur Abrenica ay may tatlong anak kay AJ Raval.  

Hindi naman na rin nasorpresa si Robin nang lumabas ang balita ukol sa pagkakaroon ng anak ni Aljur kay AJ.

Ayon kay Robin sa isang  interview, “Wala akong alam diyan pero hindi na ako nabibigla sa ganyan.

“Hindi na kabigla-bigla ’yan sa panahon ngayon.”

Nagbigay din ito ng payo kay Aljur. “Good luck. Magsipag ka lalo kasi marami kang anak.”

Dagdag pa nito, “Wala naman akong masasabi kundi good luck sa lahat. Maganda, maayos nila at hindi sila nag-aaway.

“Matanda na kasi si Kylie at lumaking independent. Mabuting ina, magaling na ina, masipag.

“Hindi ko na siya inaalala pa sa mga ganyang usapin,” anang pa ng senador.