Thursday , June 4 2026
Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Eman naka-iskor agad, Jillian kinilig

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HINDI naman gimik lang ang pagdalo ni Eman Pacquiao sa premiere night ng KMJS: Gabi ng LagimThe Movie last Monday.

Prior to that, talagang inamin ni Eman na showbiz crush niya si Jillian Ward at hiniling nito na sana ay magkatrabaho sila lalo’t Sparkle artist na rin ang sumisikat na anak ni Manny Pacquiao.

At dahil nagbibida si Jillian sa Sanib episode ng Gabi ng Lagim, nagpakita ng suporta si Eman by attending to the event at sinorpresa ang magandang dalaga sa red carpet.

Tuwang-tuwa at kilig na kilig ang mga instant fan nila at mga ‘shipper’ dahil humanga sila sa tila “smooth operator moves” ng batang boksingero.

Bukod kasi sa mabilis nitong niyakap si Jillian, mabilis din nitong ‘bineso’ ang aktres na may kasama pang “bulong sa tenga” na mukhang ikinakilig din ni Jillian lalo’t maraming nagsisigawan at tumitili for them.

Sa nakitang chemistry sa dalawa, hindi nakapagtatakang magkaroon sila ng project soon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …