Wednesday , June 24 2026
Min Bernardo Kathryn Bernardo

Ina ni Kathryn pumalag, ipinagtanggol ang anak

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI naibigan ni Mommy Min Bernardo, ang mga post na gamit ang larawan at pangalan ng kanyang anak na si Kathryn Bernardo sa ginagawa nitong pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, na kesyo puro pictorial lang daw.

Kaya naman to the rescue si Mommy Min para ipagtanggol ang anak at nag-post sa Instagram ng statement ng Star Magic na may caption na, “Please stop using my daughter’s name or image on your platform, especially if the stories you share are not true/splice. Ang isang kwento ‘pag dinagdagan o binawasan ng kahit isang salita, naiiba ang kahulugan, at nagiging fake news.

“Don’t twist the story, para lang dumami ang viewers nyo. It’s unfair! We’ve endured in silence for so long because of dagdag bawas at pag-twist ng kwento but silence means we agree with what is being said.

“Remember, as a mother, there’s a limit to how much pain and silence one can bear!” 

paalala, pakiusap, mensahe ni Mommy Min.

Naglabas din ng statement ang Star Magic, management ni Kathryn kaugnay sa nasabing fake post.

“Star Magic would like to inform the public that our artist Kathryn Bernardo did not make the remark that is circulating on social media.

“We ask everyone not to share the fake post and verify information before sharing.

“Maraming salamat!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …