Sunday , November 16 2025
Divine Andrea Pablito
NAITALA ni Divine Andrea Pablito, 17 taong gulang ng Bago City ang 32.19 meter sa Discus Throw para angkinin ang unang gintong medalya sa unang araw ng 2025 Batang Pinoy Games na ginanap sa Antonio Acharon Sports Complex sa Antonio Acharon Sports Complex sa General Santos City. (HENRY TALAN VARGAS)

Sa unang araw
Divine Andrea Pablito, umani ng unang ginto sa 2025 Batang Pinoy Games

GENERAL SANTOS CITY – Kahit maulan at makulimlim ang panahon ay napagtagumpayan ni Divine Andrea Pablito ng Bago City ang unang gintong medalya sa unang araw ng 2025 Batang Pinoy Games na ginanap sa Antonio Acharon Sports Complex, kahapon.

Nakitaan ng determinasyon ang 17-anyos discus thrower na si Pablito matapos niyang irehistro ang 32.19 meter sa kanyang unang hagis sapat upang  angkinin ang ginto sa U18 discus throw event.

Pagkarinig sa officials na siya ang nanalo, bigla siyang napasigaw at napalundag sa tuwa sa event na inorganisa ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni Chairman Patrick “Pato” Gregorio.

Inamin ng anak ng sakada at bunso sa limang magkakapatid, na naging mahirap sa kanya ang pagsilo sa unang gintong medalya dahil sa panahon.

“Mahirap po hawakan ang discus at mahirap itapon kasi madulas,” maluha-luhang sabi ni Pablito na inialay ang tagumpay sa kanyang magulang, sa kanyang coach, at sa Diyos.

May ambisyon na maging pulis, hindi sumuko si Pablito kahit dalawang beses nabigo sa nasabing sport, pang-walo siya noong nakaraang Batang Pinoy sa Puerto Princesa, Palawan at pang-walo ulit sa Palarong Pambansa.

“Sobrang saya ko, first time kong mag-medal sa national tournament, dalawang beses kasi akong top 8 lang last year at sa Palarong Pambansa,” maluha-luhang hayag ni Pablito.

Inungusan ni Pablito sina Trisha Nalla ng Maasin, Leyte, at Gwenn Julia Salac ng Tarlac na nagtala ng 31.26m at 30.05m para masungkit ang silver at bronze ayon sa pagkakasunod.

Binura ni Ashton Clyde Jose ng City of Santa Rosa ang dating meet record na 2:15.58 matapos irehistro ang 2:15.12 tiyempo para ikuwintas ang gold medal sa Boys 16-17 200m individual medley.

Tinalo ni Jose sina City of San Fernando bet Anton Paulo Dominick Della, (2:16.97) at Jian Paul Baulos ng Davao (2:18.92).

Dalawang ginto ang nilangoy ni Christian Lagnason para sa host city, naghari sa Boys 12-13 m IM sa oras na 2:19.63 at 100m freestyle sa oras na 57.26.

Ang ibang sumambot ng gintong medalya ay sina Rich Justin Torres ng Tarlac sa shot put boys U16; Jane Manalo ng Zamboanga sa girls 10 and 11; at Alexandra Dormitorio ng Quezon City sa MTB XCO – Girls 16 -17.

Nakasungkit din si Sophia Rose Garra ng Malabon ng gold sa girls 12-13 200m IM sa tiempong 2:32.14. (PSC MCO/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …