Wednesday , June 24 2026
Roderick Paulate Dolphy Comedy Icon Award

Kuya Dick pinarangalan Dolphy Comedy Icon Award: Hindi iyon matutumbasan

NAGING successful ang katatapos na 3rd Gawad Dangal Filipino Awads na ginanap noong Friday, September 19. 

Dumalo ang halos lahat ng awardees gaya nina Roderick Paulate, Piolo Pascual, Masculados, Miggs Cuaderno, Jopay Paguio, Manoeuvers, Sheree, Kuh Ledesma, mga kasama sa panulat gaya nina John Fontanilla, Roldan Castro, Mell Navarro, at Fernan de Guzman.  

Ang inyong lingkod ay isa rin sa pinarangalan bilang Outstanding Online TV Anchor.

Si Kuya Dick ay pinarangalan bilang Dolphy Comedy Icon Award. Sobrang happy si Kuya Dick sa recognition na natanggqp niya mula sa nasabing award-giving body.

Sabi niya sa kanyang acceptance speech, “Alam ninyo po, malaking bagay itong award na ‘to sa akin. ‘Yung pangalan na nakalagay na Dolphy sa trophy ko, hindi po ‘yun matutumbasan. 

“Para po sa akin, si tito Dolphy lang po ang tunay na King of Comedy. At wala na pong makakapalit sa kanya.

“Kumbaga, masasabi natin na maibigay lang ang karangalan na ito  na nakalagay ang kanyang pangalan, malaking-malaking karangalan na po para sa akin ‘yun.

“Kaya nagpapasalamat ako at sana po, damihan pa natin ang mga komedya na pelikula para tumawa  na ang ating bansa.”

Dagdag pa ni Kuya Dick, hindi raw mangyayari na mkukuha niya ang naturang award kung hindi raw sa suporta ng mga taong nanonood ng mga comedy films na ginagawa niya.

Congrats Kuya Dick!

Ang CEO/President ng Gawad Dangal Filipino Awards ay anf actor-director na si Romm Burlat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …