I-FLEX
ni Jun Nardo
ANOTHER milestone achieved ang dumating sa career ni Marian Rivera nang mapabilang siya bilang isa sa Preview magazine icons.
“Feeling so grateful to be included as one of ‘Preview’s’ icons this year. Thank you for this incredible honor,” caption ni Yan sa pictorial niya sa magazine na naka-post sa kanyang Facebook.
Sa totoo lang, fully loaded nitong mga nakaraang araw si Marian. Atraksiyon siya sa bagong weekend show ng GMA na Stars on the Floor na isa siya sa Dance Authority.
Binigyan siya ng parangal sa nakaraang Box Office Awards at dumalo sila ni Dingdong Dantes sa Gala Night ng GMA Network.
In between her showbiz commitments, priority ni Marian ang mga anak na sina Zia at Sixto na nag-aasikaso ng studies nila.
Masasabing Super Woman din si Marian na nababalanse ang pagiging GMA Primetime Queen at isang devoted mother.