Thursday , June 4 2026
Poppert  Bernadas

Poppert Bernadas magbabalik-Music Museum via Solo Pop Concert  

MATABIL
ni John Fontanilla

EXCITED at handang-handa na ang singer na si Poppert  Bernadas sa kanyang nalalapit na concert sa Music Musuem sa July 12, 2025, ang Solo Pop.

Ani Poppert nang makausap namin sa soft opening ng coffe shop ni Jovan Dela Cruz, ang WazzUp Brew sa Maceda, Espana kamakailan, “Sobrang excited na nga ako sa aking ’Solo Pop’ concert sa Music Museum this coming July 12.

“Sa ngayon ay puspusan na ‘yung pag-eensayo ko ng mga song na kakantahin ko sa concert.”

After two years ay muling babalik sa Music Museum si Poppert para sa kanyang solo concert.

’Di ko nga ini-expect na magkakaroon ako ulit ng solo concert sa Music Museum, dahil natupad na ‘yung dream ko na makapag-perform sa Music Museum noong first concert ko.

“Kaya naman nagpapasalamat ako unang-una kay Lord, sa mga blessing na ibinibigay sa akin gayundin sa aking pamilya at mga taong patuloy na sumusuporta at naniniwala sa aking kakayahan bilang sinnger/performer.”

Ang Solo Pop ay ididirehe ni Mikko Angeles at si Gino Cruz  naman ang Musical Director.

Ani Poppert, “Ito na ngaaaa!!!! after 2 years, I’m so happy to be back at the Music Musuem, sobrang special ang concert na ito sa akin  kaya tara samahan niyo ako!!!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …