PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAKATUTUWANG panoorin ang husay at ganda ni Kathryn Bernardo sa katatapos na grandfinals ng Pilipinas Got Talent Season 7.
Matalinong magbigay ng komento at marunong bumalanse si Kat. Bongga rin siya kapag nakikipag-bardagulan ng Ingles kina FMG, Eugene Domingo, at Donny Pangilinan.
Walang dudang na-reinvent ni Kat ang sarili niya apart sa usual drama series o movies na nakasanayang mapanood sa kanya ng mga tao.
And yes, ang ganda-ganda niya ngayon.
Sa grand finals ng PGT, nagmistulang beauty queen ang peg ni Kat with her hair and make up styling.
Aabangan natin ang susunod na gagawin ng itinuturing ngang new Superstar ng showbiz.