PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
UUPONG hurado sa Stars on the Floor ang dancing queen na si Marian Rivera kasama sina Pokwang at Joseph, ang lead choreographer ng SB19.
Hindi na iba sa dancing world si Marian dahil kahit ilang minuto lang siyang gumigiling sa mga Tiktokentry niya, marami ang gumagaya at nag-viral pa nga at humahamig ng milyong views.
Si Pokwang naman na kontesera rin sa mga dance show noong araw ay naging bonggang entertainer din sa Japan bilang dancer. “At nauunawaan ko naman ang aspeto ng mga sayaw,” sey pa nito.
No question asked naman kay Joseph dahil sa tagumpay ng SB19, siya ang kalahati ng dance supremacy ng mga ito.
And yes, big plus ang mga coach at choreograper na kilala sa industry na magga-guide sa mga celebrity dancer at digital star gaya nina Rodjun Cruz, Glaiza de Castro, Faith da Silva, Thea Astley, at ang VXON member na si Patrick, with digital media stars na sina Zeus Collins, Dasuri Choi, Joshua Decena, JM Yrreverre, at Kakai Almeda.