Alden Richards Stars on the Floor

Alden itinuturing na pinaka-da best ang Stars on the Floor 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PROUD na proud si Alden Richards bilang host ng Stars on the Floor na magsisimulang umere sa June 28 sa GMA 7.

“So far, this for me is the best show na nakapag-host ako. Iba ang high, iba ang spirit, iba ang intensity. Very fulfilling at ang lakas maka-positive vibe sa mga cell at tissues,” ang natatawa pang tsika ni Alden.

Inamin kasi ng aktor-host na sa tindi ng pinagdaanan niya “mentally and emotionally” sa pagiging host ng Stars on the Floor niya muling naramdaman ang cells, nerves and tissues niya hahahaha.

Kaya nga kering-keri niyang i-declare na he is at his best sa mga panahong ito.