Wednesday , June 24 2026
Jollibee Coffee Blends Pop-up Atasha Muhlach

Coffee Blends Pop-up ng Jollibee tampok si Atasha Muhlach

HINDI mapasusubalian ang hatid-saya ng Jollibee maging sa kape na napatunayan na sa mga tagahanga nito sa buong bansa sa pamamagitan ng kapana-panabik na Jollibee Coffee Blends Pop-up

Nagsimula ito sa isang sorpresang kaganapan sa Jollibee E. Rodriguez, na ang mga customer ay binigyan ng libreng Iced Mocha at ang pakikisalamuha ng brand ambassador nitong si Atasha Muhlach.

Nakatakdang maabot ng nationwide pop-up booth ang mga central business district, paaralan, transport terminals, at major event, na magse-set up ang Jollibee ng mga interactive na aktibidad, na nag-aalok sa mga customer ng pagkakataong subukan ang masarap na masaganang choco-coffee blend ng Jollibee Iced Mocha ng libre.

Bawat booth ay nagtatampok ng masayang roulette game na ang mga kalahok ay may pagkakataong manalo ng mga kapana-panabik na premyo sa pamamagitan lamang ng pag-post ng larawan mula sa kaganapan sa kanilang social media gamit ang hashtag na #JollibeeCoffeeBlends.

Ang sorpresang pagbisita sa sangay ng Jollibee ay naging hit sa mga customer, na tuwang-tuwa na makilala si Atasha ng personal nang sumama sa pamimigay ng libreng cups ng Iced Mocha. Nasiyahan ang mga bisita sa mabilisang selfie at nakatutuwang pakikipag-ugnayan dahil hinikayat ni Atasha ang lahat na subukan ang kanyang paboritong Jollibee Coffee Blend.

Moments like these are what Jollibee is all about – bringing joy to our customers in fun and unexpected ways,” ani Pamela Cruz, Marketing Director ng Jollibee Philippines. 

We’re excited for more people to discover how our Iced Mocha has that choco-coffee blend that many people will love,” dagdag pa.

Manatiling nakatutok— sa Jollibee Coffee Blends Pop-up na maaaring susunod na bumisita sa inyong lungsod.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …

Mister and Miss Lipa 2026

Pambato ng Brgy Sampaguita at Tambo wagi sa Mister & Miss Lipa Tourism 2026

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KLIMA. Mayamang pamana. Mamamayan ng Lipa. Biyaya. Pagtitiwala. Layunin. Ilan ito …

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …