MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYA ang isa sa promising young star ng Kapuso Network na si Elijah Alejo dahil makakatrabo niya ang mga Kapamilya Stars na sina Francine Diaz at Seth Fedelin na siyang bida sa pelikulang She Who Must Not Be Named.
“Nakatutuwa kasi ngayon ay may chance na kami from GMA na makatrabaho ‘yung stars ng ABS-CBN.
“Excited na akong makatrabo sina Francine (Diaz) at Seth (Fedelin), gayundin ‘yung ibang stars na kasama sa movie.”
Napanood si Elijah sa ilang programa ng GMA Network kabilang ang Maka, Lilet Matias: Attorney-at-Law, Abot Kamay Na Pangarap, Lovers and Liars, Black Rider, Prima Donnas, Marimar at iba pa.
Pagpapatunay lamang ito ng husay ng dalaga sa pinili niyang craft.
At this time ay mabait ang role na gagampanan ni Elijah at hindi ‘yung mga role na kalimitan niyang ginagawa sa GMA na maldita at kontrabida.
Makakasama ni Elija sa pelikula bukod kina Francine at Seth sina Bobby Andrews, Ruby Ruiz, Bernadette Alysson-Estrada, Kych Minemoto, Kaleb One. Hatid ng Ohh Aye Productions Inc. sa panulat ni Lawrence Nicodemus at mula sa direksiyon ni Christopher Novabos at mapapanood soon sa mga sinehan nationwide.