COOL JOE!
ni Joe Barrameda
HINDI nagdalawang-isip sa pagtanggap ang mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ng bagong action light drama series nilang Sanggang Dikit FR na mapapanood na sa GMA Prime sa June 23.
Sey ni Jennilyn, “Nagustuhan ko ‘yung concept ang tagal ko ng hindi nakagagawa actually first action series ko ito. Gusto kong subukan dahil gusto ko ‘yung mga challenging na roles.”
Bukod sa magandang kwento ng serye ay makakatrabaho pa niya ang asawang si Dennis.
Para naman sa aktor ang seryeng ito ang genre na hindi pa nila nagagawa.
“Medyo ma-action, may light drama. Super twins pa ‘yung huling action na ginawa namin ni Jennylyn. Nagpapasalamat kami sa aming fight director na si Michael Roy Jornales. Napakaingat niya at maalaga sa amin,” sabi ni Dennis.
Nang tanungin naman si Dennis sa preparasyon sa Sanggang Dikit FR, aniya, “Mayroon po siyempreng paghahanda kasi ang inire-represent namin dito ay buong pulisya. Kailangan maayos na maipakita namin bago kami sumabak sa taping. Nag-training kami ng firearms shooting.
“Kailangan ito para mas maging makatotohanan ang pagganap namin bilang mga alagad ng batas,” anang aktor.
Tinanong naman si Dennis kung paano niya pinrotektahan ang asawa sa mga eksena lalo na sa aksiyon.
“Opo siyempre rito sa programa namin nagre-require na kailangan malakas ‘yung pangangatawan mo kami ni Jennylyn minamabuti namin na maging healthy. Dinagdagan namin ‘yung mga workout namin para hindi kami mabigla at ma-injure.”
Sa tunay na buhay on and off cam ay talaga namang magkasanggang dikit sina Jennylyn at Dennis. Highlight kasi ito ng pagiging mag-asawa.
Sey ng aktres, “Pinili naming magsama habang buhay kahit saan kami dalhin ng buhay kailangan sa hanggang dikit.”
Kasama rin sa serye sina Joross Gambia, Allen Dizon, Juancho Trivino, Liezel Lopez, Jeffrey Santos, Al Tantay, Roi Vinzon, Nova Villa at marami pang iba. Sa direksiyon ni L.A. Madridejos.