MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI raw maiwasan ma-pressure ng Kapamilya actor na si Seth Fedelin sa magiging resulta sa takilya ng pangawalang solo movie nila ni Francine Diaz, ang She Who Must Be Named lalo’t blockbuster sa 2024 Metro Manila Film Festival ang kanilang pelikulang My Future You na nagbigay din ng award (Breakthrough Performance Award).
Ayon nga kay Seth sa media launch and storycon ng pelikulang She Who Must Be Named na ginanap sa Common Ground, “Yes sobrang laking pressure ‘yung naidulot ng ‘My Future You’ sa amin. Actually ‘di lang ako, lahat kami. ‘Yung team namin, ‘yung mga kasama namin lahat kami napi-pressure.
“Pero rito makikita na kaya talaga namin, and I think kapag pinagtulungan naman ng lahat productions, cast and fans, magagawa namin.”
Sa movie ay gagampanan ni Seth ang role ni James Richard Montefalco, isang babaero and chick magnet ng grupo.
“Si James po ay napakabuti, tahimik, pala-aral at loyal. Kaso kabaliktaran hahaha. Si James dito ay babaero, siya ‘yung chick magnet.
“May makikilala siya na babae na hindi niya alam ang pangalan kung sino ‘yun.”
At ma iin-love nga si James sa nasabing babae na hindi na matandaan ang pangalan na ginagampanan naman ni Francine.
Makakasama ng FranSeth sa movie sina Raven Rigor, Kych Minemoto, Kaleb Ong, Abdul Raman, at Elijah Alejo with Bernadette Allyson, Bobby Andrews, and Ruby Ruiz.
Ang She Who Must Not Be Named ay hatid ng Ohh Aye Producrions, Inc. sa panulat ni Lawrence Nicodemus at ididirehe ni Christopher Novabos.