MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYA at proud mom si LJ Reyes sa kanyang mga anak na sina Aki (anak kay Paolo Avelino) at Summer (anak naman kay Paolo Contis).
Nag-post nga si LJ sa kanyang Istagram (@lj_reyes) ng mga larawan ng kanyang mga anak na sina Aki at Summer na nagkukulitan at nilagyan nito ng caption na, “Sali Ako.”
Kuha ang larawan sa isang restaurant sa New York City, na mas piniling manirahan ni LJ at iwan pansamantala ang showbiz kasama ang mga anak at asawa.
Sa ngayon ay wala pang planong bumalik ng bansa si LJ at balikan ang pag-arte.