PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PINAG-UUSAPAN ang viral photos ni Vincent Co, anak ng may-ari ng Puregold store sa bansa at iba pang mga negosyo.
Non-showbiz man si Vincent pero dahil sa association ng parents niya sa showbiz media lalo na ng kanyang ina, kaya naging pamilyar ang name nila.
Mas naging ‘in’ nga lang sa balita this time dahil ayon sa mga Marites ng socmed, mukhang si Bea Alonzo nga ang ka-holding hands nito sa mga naglabasang fotos.
Kuha nga ito sa Andalucia, Spain na alam ng madla na may property doon si Bea. At dahil may similar fotos din si Bea na na-i-post sa socmed, madali at mabilis ang pag-wan-plus-wan ng netizen sa ugnayan nila ni Vincent.
Masaya ang social media world kung si Bea nga ang sinasabing girl dahil finally ay mukhang nakahanap na raw ito ng kasukat niyang lalaki na totoong magmamahal at mag-aalaga sa kanya.
Sana nga ‘di ba mga Ka-Hataw.