Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng Kalookan sa ginanap na Team Aksyon at Malasakit Grand Rally sa Malolos Street, North Diversion Road, Bagong Barrio noong 2 Mayo.

Ayon sa congressman, ang 106 TRABAHO Partylist ay parte na ng kanilang partido.

Sa mga salita ni Cong. Oca sa kanyang mga nasasakupan: “Meron ho tayong bagong kasama sa team natin. Sa partylist – tulungan natin ang TRABAHO Partylist!”

Ipinahayag din ng kasalukuyang kongresista na ang magiging panalo ng 106 TRABAHO Partylist ay magiging panalo rin ng Lungsod ng Kalookan.

“[Kapag] ang TRABAHO Partylist nanalo, dalawa na kaming congressman n’yo dahil maglilingkod din siya sa lungsod ng Kalookan,” pagtutukoy ni Malapitan sa kanyang sarili at kay first nominee Atty. Johanne Bautista.

Nagbuhos din ng suporta si Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan para sa 106 TRABAHO noong nakaraang sortie nila sa parehong distrito.

Sa pagpapakilala sa 106 TRABAHO, sinabi ni Mayor Along: “Ang ating partylist – 106 sa balota.”

Ang abogadong first nominee naman ng 106 TRABAHO ay nagpahayag ng malugod na pasasalamat sa suporta ng nasabing partido, lalo sa suporta ng mga Malapitan.

“Nais ko po munang batiin at ipahatid ang aming taos-pusong pasasalamat kina Mayor Along Malapitan at Cong. Oca Malapitan sa kanila pong napakahalagang suporta sa 106 TRABAHO Partylist,” sabi ng abogado.

Sinegundahan din ng abogadong nominee ang pangako ni Malapitan sa mga taga-Kalookan na sila ay magkakaroon ng isa kongresistang magsisilbing boses ng kanilang Distrito.

“Katuwang po ng Team Aksyon at Malasakit ang 106 TRABAHO Partylist sa patuloy na pagpapabuti ng mga serbisyo publiko dito sa inyong lungsod, lalong lalo na po sa pagpapalawak ng access sa quality and sustainable jobs and livelihood,” pagdidiin ni Bautista.

Sa usapin ng kabuhayan at trabaho, inihayag ng nominee na isusulong ang inclusivity lalo para sa kababaihan, mga senior citizen, may kapansanan, at mga miyembro ng minoryang lipi, gaya ng LGBTQIA+ community.

Nitong Sabado, tumindig rin ang TRABAHO Partylist para sa malayang pamamahayag, at karapatan ng publiko na magtanong, magsalita, at magbigay-kaalaman, lalo na ngayong panahon ng halalan. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

arrest, posas, fingerprints

Kulang 48 oras
SINIBAK NA PARAK, KASAPAKAT ARESTADO SA PINATAY NA PULIS SA BULACAN

NAARESTO ng Police Regional Office 3 ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril sa isang …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …