Thursday , May 22 2025
Comelec Vote Buying

Vote-buying sa pormang ayuda
Marikina public school teachers umapela sa Comelec para imbestigahan si Quimbo

UMAPELA ang isang grupo ng public school teachers mula Marikina City sa Commission on Elections (Comelec) na imbestigahan ang pamamahagi ng pinansiyal na ayuda sa kanilang mga kapwa guro sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo.

Sa isang liham, sinabi ng mga guro, hindi nagbanggit ng mga pangalan para sa kanilang proteksiyon, na maaaring may kinalaman sa vote-buying o paggamit sa pondo ng pamahalaan para sa politikal na interes ang ginawang aktibidad na malapit sa araw ng halalan.

Nagpresinta rin sila ng mga larawan at video bilang ebidensiya sa kanilang alegasyon.

“The Commission on Elections should investigate whether this could be considered vote-buying or using power to influence votes, which are not allowed under the law,” wika nila, kasabay ng panawagan kay Comelec chairman George Garcia na gawing prayoridad ang imbestigasyon sa isyu.

Bukod sa Law Department ng Comelec, pinadalhan din nila ng liham ang Department of Education (DepEd), DSWD, at Civil Service Commission (CSC).

Ayon sa mga guro, inihayag ang detalye ng ayuda ng DSWD sa isang pulong hinggil sa Project TEACH. Nabanggit din na dumalo si Quimbo sa aktuwal na pamamahagi ng ayuda na isinagawa 21-23 Abril 2025, sa Q Civic Center.

“We find this alarming because we, public school teachers, are not poor or in crisis and do not fall under the usual DSWD guidelines for this kind of help,” wika ng mga guro.

“Also, some of our co-teachers were told to help check IDs and documents of other teachers to process this aid. We were also told to give our own IDs to be listed as recipients,” anila.

Nagpahayag ng pagkabahala ang grupo dahil pinayagan ang ilan nilang opisyal, kabilang sina Marie Ann Yambala, presidente ng Marikina City Federation of Public School Teachers Inc., at Atty. Ceasar Augustos Cebujano, legal officer ng DepEd Marikina District, na tumulong sa beripikasyon ng mga tatanggap.

“We ask the DepEd to look into this right away and remind everyone not to take part in any activity with political involvement or money matters during election time,” wika ng mga guro.

“The Department of Social Welfare and Development should clarify why teachers are included in the AICS program during the election period, especially if the help is being used for political reasons,” dugtong nila.

Hiniling nila sa CSC na pag-aralan kung anong mga administratibong hakbang ang maaaring gawin laban sa mga sangkot sa pamamahagi ng ayuda.

“We are writing this letter out of love for our work and concern for the truth and fairness of our elections. We hope your offices will act quickly and do what is right,” hiling nila sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno.

About hataw tabloid

Check Also

Kasong parricide iniatras ng pulis vs yumaong misis

Kasong ‘parricide’ iniatras ng pulis vs yumaong misis

BINAWI na ng padre de familia ng mag-iinang nasawi sa sunog sa Sta. Maria, Bulacan, …

052125 Hataw Frontpage

Sa minamahal na Bayan ni FPJ
FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTYLIST, NO.1 SA SAN CARLOS, PANGASINAN

HATAW News Team SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Opisyal nang kinilala ang FPJ Panday Bayanihan …

Molotov cocktail bomb

Kapilya ng INC tinangkang sunugin kelot arestado

ARESTADO ang isang 40-anyos construction worker matapos tangkaing sunugin ang isang kapilya ng Iglesia Ni …

Murder suspect arestado

Murder suspect arestado

ISANG lalaking murder suspect ang nasakote ng mga awtoridad sa ikinasang follow-up operation sa bayan …

Talisay Negros Occidental

Jeep tumaob sa Talisay, Negros Occidental 11 pasahero sugatan

SUGATAN ang 11 katao, kabilang ang limang menor de edad, nang tumaob ang sinasakyan nilang …