Mark Anthony Fernandez Joms Cup Okada Manila Motorsport Carnivale 2025

Jomari at Rikki ibabalik sa mapa ng motorsport ang bansa

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAGSISIMULA na rin sag May 4 ang 2025 Okada Manila Motorsport Carnivale event na collaboration project ng mga champion racer na sina Jomari Yllana at Rikki Dy-Liacco.

“Gusto lang naming ibalik sa mapa ng motorsport ang bansa. We have been doing this for a while, but this time, mas legal na, may mga maayos na sponsors, at participants na gaya namin ay nag-a-advocate rin ng safe driving,” pahayag ng mga kapwa uragon na Jom at Rikki.

Ka-tie up nila ang pinaka-sikat na hotel casino sa bansa na Okada na naniniwala rin sa kanilang advocacy.

After May 4 na gaganapin sa Parañaque City, masusundan ito sa May 30 at sa June 21-22.

We invited celebrities and car racers nationwide na sasabak sa aming Super Car, Muscle Car and Vintage Car categories. Simply exciting ‘di ba,” hirit pa nina Jom at Rikki.