I-FLEX
ni Jun Nardo
BUHAY naman ni Vice President Sara Duterte ang balitang gagawing pelikula ng kontrobersiyal na director na si Darryl Yap.
Take note na ang napupusuang lalabas bilang VP Sara eh si Claudine Barretto, huh.
Kung sa past movies ni Darryl eh tungkol sa mga Marcos ang sentro ng kuwento, this time, sa Duterte and with Senador Imee Marcos na very close sa VP, may chance na isa rin siyang investor sa gagawing movie.
At last kapag natuloy ito, wala na marahil magiging sagabal sa pagpalabas ng pelikula na ito ni Daryl after ng kontrobersiyal niyang The Pepsi Paloma Story, huh.
Year 2028, VP Sara is waving unless…