MA at PA
ni Rommel Placente
BONGGA si Jojo Mendrez dahil ang latest single niya na Nandito Lang Ako, mula sa Star Music at sa komposisyon ni Jonathan Manalo ay may 10million+ collective views on all social media platforms.
Kaya naman masayang-masaya ngayon ang tinaguriang Revival King ng music industry.
Post nga niya sa kanyang Facebook, “10 million views and counting!!! Thank you very very much! Praise God for your continuous blessings to me despite the people who did nothing, but depise ad underestimate my abilities.”
O ‘di ba, hugot kung higot sa kanyang post si Jojo? At least, sa kabila ng mga panghuhusga sa kanya, sa kabila ng may mga taong minamaliit ang kanyang kakayahan, hindi siya nagpapatinag.
Hayan nga at bongga ang kanyang singing career. Marami ang nagmamahal at sumusuporta sa isang Jojo Mendrez, sa totoo lang.
Hindi naman kataka-taka kung tangkilikin, at marami ang gustong mapakinggan ang Nandito Lang Ako. Napakaganda naman kasi ng lyrics, ng melody, at ang ganda ng pagkakakanta ni Jojo. Talagang tagos sa puso. Ang sarap tuloy pakinggang ng awitin.
At bongga talaga ang Nandito Lang Ako, huh! Alam ninyo bang pati sa mga gay bar ay ay pinapatugtog ito? Ito ang ginagamit na music ng mga macho dancer kapag nagsasayaw sila. Talagang in na in ngayon ang Nandito Lang Ako.
Congratulations Jojo!